Ivelle Ruiz's Point Of View Tahimik lamang akong nakahiga sa kama, nakatingala sa kisame habang iniisip ang mga sinabi ni Azrael kanina. Hindi na nga ako nakaalis dahil kinuha niya ang mga gamit ko at dinala sa kwarto niya. Nagpaiwan naman ako rito upang makapag-isip—tama bang manatili ako? Pero sa kabila ng pag-aalinlangan, may bahagi sa akin na gustong mag-stay. Habang nasa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla akong napalingon nang marinig kong bumukas ang pinto. Doon, tumambad sa akin ang lalaking kanina lamang ay laman ng isip ko. Sandali siyang natigilan, at nang magtagpo ang aming mga mata, may kung anong emosyon ang gumuhit sa kanyang mukha—parang may gustong ipahiwatig, pero hindi ko matukoy kung ano. Kunot-noo ko siyang pinagmasdan habang papalapit siya sa akin, ang bawat hakbang n

