Ivelle Ruiz's Point Of View Makalipas ang Apat na taon....... "Ivelle, wala ka na ba talagang plano umuwi ng Pilipinas? Ayaw mo bang makita—" Pinutol ko agad ang sasabihin ni Letheia bago pa niya mabanggit ang pangalang hindi dapat marinig ni Rael. Napangiti siya at nag-peace sign bago tumingin sa bata, na abala sa paglalaro at walang kamalay-malay sa usapan namin. Napabuntong-hininga ako. Tama ba itong desisyong ginawa ko? Mananatili na lang ba kami rito habang buhay, malayo sa lahat ng sakit na iniwan ko sa Pilipinas? O darating ang araw na kailangan kong harapin ang nakaraan, kahit pa masaktan akong muli? "Hindi ko alam, Letheia," mahina kong sagot habang inaayos ang mga pinamili namin. "Pero kung maaari, dito na lang kami. Ayos naman kami ni Rael." Nag-grocery kami ni Letheia pa

