Azrael Takeshi's Point Of View Abala ako sa mga papeles na pinipirmahan ko nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Akala ko si Larry lang ito kaya hindi na ako nag-abala pang itaas ang tingin. "Balita ko, hindi natuloy ang kasal niyo ng anak ng ka-business partner ng daddy mo?" Napatingin ako nang marinig ang pamilyar ngunit nakakainis na boses ng babaeng matagal ko nang iniiwasan. Matalim ang tingin ko sa kanya, pero ngumiti lang siya at lumapit na parang wala lang. "Kung hindi man natuloy ang kasal namin ni Letheia, wala ka nang pakialam doon, Kenna," inis kong sagot bago muling ibinalik ang atensyon ko sa mga papeles. Kailangan ko nang matapos ito agad. Gusto ko nang umalis at pumunta kay Ivelle. Hindi pa rin siya natinag. "Hindi kaya... hindi mo talaga tinuloy ang kasal da

