Ivelle Ruiz's Point Of View Inihatid ako ni Azrael sa ospital matapos ang lunch date namin. Pagkarating namin, hindi ko na siya hinayaang bumaba ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. Alam kong nagmamadali rin siya dahil may meeting siyang kailangang puntahan. "Susunduin kita mamaya," sabi niya mula sa nakabukas na bintana ng kanyang sasakyan. Napangiti na lang ako at tumango bilang tugon. Bago siya tuluyang umalis, kumindat pa siya sa akin, dahilan para mapatawa ako at mapailing. Sinundan ko ng tingin ang papalayo niyang sasakyan hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kalsada. Nang wala na siya sa paningin ko, huminga ako nang malalim at nagsimula nang humakbang papasok sa loob ng ospital. Pagpasok ko sa ospital, agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa air conditioning.

