Ivelle Ruiz's Point Of View Tanghali na nang matapos ang checking season ko sa mga pasyente. Mabuti na lang at walang Doc Kevin na gumambala sa akin, pero alam kong nasa paligid lang siya—naghihintay ng tamang pagkakataon para muli akong guluhin. Hindi ko na rin nakita si Nurse Cha. Pagbalik ko sa opisina, ibang nurse na ang nakabantay sa akin. Aaminin ko, namiss ko si Nurse Cha. Pero kung kakampihan niya ang baliw na doktor na iyon, wala akong ibang choice kundi alisin siya sa landas ko. Ayokong may hadlang sa katahimikan ko, lalo na sa ospital na ito na tila nagiging larangan ng isang tahimik ngunit matinding laban. Ngayon, narito ako sa labas ng ospital, hinihintay ang pagdating ni Azrael. Sinabi niyang susunduin niya ako para puntahan ang sinasabi niyang dagat—ang lugar na makakapa

