Ivelle Ruiz's Point Of View Nang makapasok ako sa lobby ng ospital, agad akong sinalubong ni Nurse Cha ng isang ngiti. Dahil hindi ko alam kung bakit siya nakangiti nang ganoon, tinaasan ko siya ng kilay habang papalapit sa kanya. "Doc, boyfriend n’yo po ba ‘yung lalaking dumalaw sa inyo kahapon?” tanong niya, may bahagyang kilig sa boses. Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Wala akong ideya kung saan galing ang tanong niya, kaya napabuntong-hininga muna ako bago sumagot. “Oo, boyfriend ko. Bakit?” sagot ko, kahit ako mismo ay nagulat sa lumabas sa bibig ko. Mabilis na nawala ang ngiti ni Nurse Cha, at sa ekspresyon niya, mukhang may hindi magandang balita siyang dala. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa opisina ko. Habang naglalakad, marami akong nak

