Ivelle Ruiz's Point Of View Nagising ako sa gitna ng kaguluhan sa ibaba. May mga boses na bumabasag sa katahimikan ng umaga, at kahit medyo mahina pa ang aking pakiramdam, ramdam kong may nangyayari. Kinapa ko ang kama, hinahanap ang init ng katawan ni Rael—ngunit wala siya roon. Napabalikwas ako ng bangon, agad na luminga sa paligid, umaasang makikita ko siya sa loob ng kwarto. Ngunit wala siyang bakas. Mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto, tinungo ang hagdan nang may halong kaba. Habang bumababa, sinubukan kong hindi gumawa ng ingay, pinakikiramdaman ang sitwasyon sa ibaba. Ngunit nang makarating ako sa huling baitang, napahinto ako sa aking nakita—si Rael, nakaupo sa kandungan ni Dad, mahigpit siyang yakap habang tila may ibinubulong ito sa kanya. "O, gising ka na pala, Ivel

