Ivelle Ruiz's Point Of View Pagkalabas ko ng kwarto ni Dad, hindi ko maiwasang mapahinto saglit at mag-isip. Akala ko ba'y tapos na? Akala ko ba'y naghilom na? Pero bakit, sa bawat paghinga ko, andito pa rin ang sakit ng nakaraan—ang eksenang paulit-ulit kong sinusubukang kalimutan? ang pagtataksil ni Azrael… paano ko mabubura ang larawang dumurog sa puso ko? Napasinghap ako nang mapansin ang isang pamilyar na pigura sa labas ng bahay. Si Azrael. Nakatayo siya sa harap ng pinto, tila nag-aalangan kung kakatok ba o hindi. Halos magtagpo ang aming mga mata nang bumukas ang pinto at lumabas ako. Agad siyang natigilan, at sa isang iglap, bumalik lahat ng sakit—kasabay ng galit na matagal kong kinimkim. "Bakit ka nandito?" tanong ko, pinipilit panatilihing matatag ang boses ko. Napabuntong

