bc

The Homewrecker

book_age18+
354
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
dark
CEO
bxb
mystery
male lead
office/work place
twink
mxm
affair
like
intro-logo
Blurb

We'll just get on with Elliot's story. Akala ng guwapong binatang si Elliott ay nasa maayos na siyang kalagayan ngunit unti-unting bumabalik sa kanya ang nakaraan. Nauulit ang mga maiinit na eksena sa kanyang nakaraan. Babalik ang mga taong matagal na niyang kinalimutan.

Sa pagkakataon na ito ay lilitaw na ang tunay na pagkatao ni Elliott.

Mas pinainit at mas kapapanabik ang mga bawat eksena.

chap-preview
Free preview
Elliot 1
Chapter 1 "Elliott, magkakilala pala kayo ng anak ni Mr. Armie Gutierrez?" tanong ni Rica.  Gulat na gulat si Rica nang dumating si Elliott kasama ang isang napakaguwapo at matangkad na lalaki. Napakunot noo na lang siyang pinagmasdan ang lalaking kasama ng katrabaho na si Elliott. Hindi niya agad nakilala ang kasama ni Elliott kagabi. Akala niya ay kaibigan o kakilala lang nito?  Sinabihan lang siya ni Miss Glenda na ang kasama ni Elliott ay ang nag-iisang anak nila Armie at Valeria Gutierrez na si Clinton Gutierrez.  Nanlaki talaga ang mata ni Rica sa gulat na kasama ni Elliott ang taga pagmana ng Gutierrez Group of Company na si Clinton Gutierrez.  Gusto man magtanong ni Rica kay Elliott kagabi ngunit hindi niya magawa dahil kasama pa naman nila ang isa sa maimpluwensyang pamilya sa bayan ng Santiago. Kaya hinintay talaga niya ngayon ang kanyang katrabaho na si Elliott na dumating para magtanong.  "Ah? Iyon ba? Oo magkakilala kami," tugon ni Elliott.  Inaasahan na ni Elliott na magtatanong sa kanya ang kanyang dalawang katrabaho na sila Miss Glenda at Miss Rica.  Ayaw sana ni Elliott na sabay sila ni Clinton sa pagpunta sa Rald's Box Café kagabi ngunit nagpumilit pa rin ito. Iniiwasan niya na makakuha siya ng atensyon kina Miss Glenda at Miss Rica. Gusto sana niya na siya na lang mag-isa na pumunta sa café para wala na masyadong tanong sa kanya ang kanyang dalawang kaibigan.  Sa huli ay wala na rin nagawa si Elliott kundi pumayag sa kagustuhan ni Clinton na sabay silang pumunta sa Rald's Box Café. Nahihiya rin siya dahil naghintay din ito sa kanya sa labas ng kanto sa tindahan ni Mang Diego.  Bago pa man makarating ang guwapong binatang si Elliott sa may labasan ay agad na niyang kinausap si Havier tungkol kay Clinton. Kasama niya ang makisig na binatang si Havier papunta sa labasan. Gusto pa siya nitong ihatid ngunit tumanggi siya. Sinabihan niya ito na naghihintay na sa may labasan si Clinton para sunduin siya nito.  Bago pa man mag-react ang makisig na binata ay inunahan na ni Elliott ito. Ipinaliwanag niya na hindi naman siya nagpapasundo kay Clinton. Kakatanggap lang niya ng text message galing dito at nagulat siya ng sabihin sa kanya ni Clinton na nasa Urani Compound na ito at naghihintay na ito sa tindahan ni Mang Diego.  Sinabihan ng guwapong binatang si Elliot ang kanyang kaibigan na si Havier na wag nitong awayin si Clinton kapag nakita na nila ito. Natuwa naman siya ng sabihin ni Havier sa kanya na hindi nito aawayin si Clinton. Ayaw lang niya na maulit ang mangyari noong nakaraang araw na nagsuntukan ang dalawa sa kanyang harapan.  "Ikaw ah! Hindi mo sinasabi sa amin na friends pala kayo ng nag-iisang anak ni Mr. Armie Gutierrez. Jusko ang guwapo niya grabe!" sabi ni Rica.  Aaminin ni Rica na sobrang kinilig siya ng makita niya si Clinton Gutierrez kagabi. Parang nakakita siya ng isang sikat na arista na sobrang guwapo. Kung dati ay nakikita lang niya ito sa mga social media accounts nito. Kagabi ay nakita na niya ito sa personal at nakasabayan pa niya ito kumain.  Hindi nga masyado nakakain si Rica kagabi dahil sobrang naiilang siya kumain ng marami. Naiilang siya dahil na rin ang mga kasama nila kagabi ay mga mayayaman at mga maimpluwensyang tao sa bayan ng Santiago.  Hindi nakalagpas sa mga mata ni Rica ang kisig ng pangangatawan ni Clinton. Kahit na nakasuot ito ng isang all black suit na bagay na bagay nito na para bang boss ito ng isang mafia sa mga nababasa niyang kuwento sa online. Kitang-kita pa rin niya ang biceps nito na humuhulma sa suot nitong black americana.  Gusto nga magpa-picture ni Rica kay Clinton pati na rin sa ama nito na si Mr. Armie Gutierrez. Hindi nga niya maiwasan na mag-imagine na isa sa mag-ama ang kanyang manliligaw.  Kung nililigawan man si Rica nila Armie at Clinton ay sobra siyang mahihirapan. Hindi niya alam kung sino ang pipiliin niya? Parehong guwapo at makisig. Pero masasabi niya na sobrang umaapaw ang s*x appeal ni Mr. Armie Gutierrez kaysa sa anak nitong si Clinton Gutierrez.  Masasabi rin ni Rica na sobrang lakas din ng appeal ni Clinton na bagay na bagay sa personality nito na adventurous. Puwede rin itong maging action star. Pero sa pagkakaalam niya mas pinili lang nito maging part time model kaysa sa maging artista. Alam rin niya na mahilig itong mag-travel kaya lahat ng post nito sa social media accounts nito ay puro travel prictures.  "Kilala mo pala ang pamilyang Gutierrez, Elliott," ngiting sabi ni Glenda.  Tulad ng kanyang katrabaho at kaibigan na si Rica ay nagulat rin si Glenda ng malaman niyang kakilala pala ni Elliott sila Mr. Armie Gutierrez at pamilya nito.  Pansin ni Glenda kagabi na para bang matagal na magkakilala sila Elliott at Mam Valeria Martinez Gutierrez ang magandang asawa ni Mr. Armie Gutierrez. Kanina bago pa man dumating si Elliott ay nagpag-usapan na nila ni Rica ang tungkol sa nangyaring dinner kagabi sa may Rald's Box Café. Sobrang na out of place silang dalawa ni Rica ngunit natutuwa siya dahil kinakausap sila ni Elliott kahit ito ang naging centro ng usapan.  Pansin din ni Glenda na nagulat din ang kanilang boss na si Mr. Orion Ricaforte na magkakilala pala sila Elliott at Mr. Armie Gutierrez at pamilya nito.  "Kilala ko lang sila pero hindi naman ako masyadong malapit sa kanila," pilit na ngiting sabi ni Elliott.  Hindi na gusto ni Elliott na masyado na siyang pinagtatanong nila Miss Glenda at Miss Rica tungkol sa pagkakakilala niya kina Mr. Armie Gutierrez at pamilya nito. Imbes na pag-usapan nila ang tungkol sa paparating na annual party ng Gutierrez Company ay medyo naging centro si Elliott ng usapan kagabi. Isang tipid na sagot, simpleng tango lang ang laging niyang sinasagot sa mga katanungan sa kanya nila Mr. Ricaforte at Mr. Gutierrez.  "Elliott, pakilala mo naman ako kay Clinton," pakiusap na sabi ni Rica.  Hindi naniniwala si Rica na hindi malapit si Elliott sa pamilyang Gutierrez. Kagabi ay napansin niya na malapit si Clinton kay Elliott na para bang magkasintahan ang dalawa.  Alam naman niya na hindi lang siya ang nakapansin na sobrang alagang-alaga ng makisig na lalaking si Clinton si Elliott.  Narinig pa ni Rica si Mam Valeria na gustong-gusto magkaroon daw ng nakakabatang kapatid ang anak nitong si Clinton. Natutuwa raw ito dahil nakilala ni Clinton si Elliott at gusto pa nga nitong ampunon ni Mam Valeria ang guwapong binatang si Elliott.  Hindi naman nagugulat o nabibigla si Rica na maraming nagkakagusto kay Elliott dahil bukod sa mala-anghel na kaguwapohan nito ay sobrang bait pa nitong tao. Masasabi rin niya na inosenteng-inosente ang pagkatao nito.  "Walang problema Miss Rica, ipapakilala kita kay Clinton, kapag nagkita kami ulit," ngiting sabi ni Elliott.  Kagabi ay si Clinton din ang naghatid kay Elliott sa Urani Compound. Nagpasalamat siya rito sa paghatid nito sa kanya at sinabi pa nito sa kanya na susunduin siya nito pagkatapos niyang magtrabaho mamaya. Kinuha ng makisig na binatang si Clinton ang number niya at malugod naman niya ito ibinigay.  Nagpaalam na si Elliot kina Miss Rica at Miss Glenda na pupumunta na siya sa kanyang table para magsimulan na niya ang kanyang trabaho. Hindi pa man siya nakakaupo sa kanyang upuan ay biglang bumukas ang pintuan at nakita niyang pumasok sila Sir Benjamin at Sir Rafael.  Narinig ng guwapong binatang si Elliot na hinahanap siya ni Sir Rafael. Parang estudyante siyang nagtaas ng kanang kamay para sabihin na nandito lang siya sa kanyang table. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa labi ni Elliott ng mapatingin si Sir Rafael sa kanyang gawi. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.6K
bc

NINONG III

read
365.3K
bc

NINONG II

read
620.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook