Chapter 2 The Group

2337 Words
Kitkat P.o.v. "Bakit ka ba sumugod do'n? Ayan tuloy pag-iinitan na tayo ng grupo nila. Paano na 'ko makakasali sa sorority!" maktol ni Bea habang naglalakad kami pauwi. "Ano ba kasing nasinghot mo at sumali sali ka sa gano'ng klaseng grupong? wala ka naman mapapala do'n!" sermon ko naman dito. Gusto ko pa ngang batukan para magising sa katotohanan. Nahihibang na talaga siya. "Hayaan mo na nga lang ako. 'Wag mo na akong pakialaman!" sabay takbo niya. Hindi ko na siya hinabol pa. Sayang lang ang effort kong susundan ko pa siya. Naiwan akong tulala. Pasaway talaga ang pinsan ko na 'yon, kahit 'yong nasa baguio pa kami, sakit talaga si Bea sa ulo lalo na pag nagbabakasyon siya do'n. Wala na kasi siyang mga magulang. Ulilang lubos. Si tita na lang ang nag-aalaga sa kanya dito sa manila. Naglakad na ako pauwi. Iniwan talaga ako pasaway na Bea na 'yon! malapit na lang din naman sa amin. Medyo madilim ang eskinitang dadaanan ko. Habang naglalakad ako sa makipot na eskinita, may babaeng sumabay sa'kin papasok. Nasa unahan ko siya at nakayuko habang naglalakad. Nakasunod lang ako sa kanya. Nang bigla siyang tumigil kaya naman napahinto din ako. Hinintay ko siyang maglakad ulit. Pero nanatili lang siyang nakatayo habang nakatalikod pa din. "Ahm, Miss, pwedeng padaan?" malumalanay kong sambit. 'Di namansiya kumibo. Nakakainis, ah? dito pa talaga siya huminto kung kailan naman napakadilim at masikip ung daan. Hindi na ko nakatiis at aktong kakalabitin ko na siya, ng bigla naman itong nagsalita. "Lumayo ka sa kanya." Isang matigas na boses galing sa babaeng nasa harap ko. Ano daw? anong lumayong pinag-sasabi nito? napakamot na lang ako sa ulo at naguguluhan. "Ha?" maang kong tanong. Hindi ko kasi talaga ma-gets kung anong hugot niya. Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa'kin. 'Di ko naman maaninag ang mukha niya dahil natatakpan ito ng mahaba niyang buhok. "Ang sabi ko lumayo ka sa kanya!" Isang malakas nitong sigaw. Napaatras naman ako sa gulat. Para kasing galit na galit siya. Nang biglang may humawak sa balikat ko. Grabe na 'yong kabang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Dahan-dahan naman akong lumingon. "Balot?" alok ng isang mamang may hawak na basket. "Manong, ginulat niyo naman ako." Si manong mambabalot lang pala. "Eh kasi, nakita kitang nakatayo d'yan. 'Di naman ako makadaan kaya kinalabit na kita," Tsaka ko lang naalala 'yong babaeng nakatayo kanina sa harap ko. Nasaan na siya? "May babae kanina dito?" nagpalinga-linga pa ako. "Babae? wala ka naman kasama kanina dyan, eh." Halatang nagtataka din si Manong. Nanlaki naman ang mga mata ko at nanginig 'yong tuhod ko sa narinig ko. W-wala akong kasama kanina? Eh s-sino 'yong kausap kong babae na halos sakalin ako sa galit ng boses nito. "Neng, ok ka lang? Sabay na lang tayong maglakad at madilim ang gawing ito, Baka may adik ka pang makasalubong," concern nitong wika. Sumangayon naman ako sa sinabi ni Manong. Pagdating ko sa bahay nakita ko si Mama, na nanonood ng t.v. "Oh, kumain kana. Tumawag ang papa mo, hinahanap ka. Tatawagan ka daw niya mamaya," "Sige po, Ma, kailan po ba uuwi si Papa?" Engineer kasi si Papa at na assign siya sa Japan. Every one year umuuwi siya dito sa pilipinas. Isang buwan lang lagi ang bakasyon niya at babalik na ulit doon. "Dalawang buwan na lang, uuwi na papa mo. Bakit may pinapabili ka na naman sa kanya?" "Grabe ka, Ma, wala po. Nami-miss ko lang si Papa." Tugon ko dito at yumakap. Hinaplos naman niya ang buhok ko. "Aysus, naglalambing ang anak ko. Pinagluto kita ng pininyahang manok," "Wow! Talaga, Ma? Sakto gutom na po ako," sabay himas ko sa tiyan. "Sige na, kumain ka na do'n," natatawang wika nito. Tumayo na 'ko at pumuntang kusina. Nagsimula na akong kumain ng maalala ko na naman 'yong babaeng nakasabay ko kanina sa may eskinita. Bigla akong kinilabutan. Mag-isa pa naman ako dito sa kusina. Luminga-linga ako sa likod ko. Hay! para akong tanga. Tinatakot ko lang ang sarili ko. Pagkatapos kong kumain umupo ako sa sala at nanood ng t.v. "Nak, aakyat na ko ha? 'wag mong kalimutan i-lock 'yong gate at pinto. Maya-maya umakyat ka na din at matulog na. Maaga pa pasok mo bukas," bilin nito bago umakyat sa hagdan. "Opo Ma, tapusin ko lang tong walking dead," "Sige." Umakyat na si Mama sa taas at naiwan akong mag isa dito sa sala. Tahimik na din sa labas at wala ng masyadong tao nagdadaanan. Tanaw kasi sa bintana mula dito sa sala. Humiga ako sa sofa habang nanonood. 'Di ko namalayang nakatulog pala ako. Napapitlag ako sa lakas ng t.v. Naka full ata 'yong volume. Nataranta naman akong kinuha ang remote at hininaan ito. Anong oras na ba? pagtingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding, 12:30am. Ang haba pala ng tulog ko. Naglipat ako ng channel, maya-maya na ko aakyat. Nawala na 'yong antok ko. Naramdaman kong may kalabog na galing sa taas at pababa ng hagdan. Baka si Mama nagising. Naku, pagagalitan ako pag nahuli akong mulat pa. Pumikit ako at nagpanggap na tulog sa sofa. Pababa na 'yong yabag galing sa hagdan. Ayan na si Mama. Palapit na. At nahinto ang yabag na parang may nakatayo sa harap ko. Nanatili lang akong nakapikit. Baka pinagmamasdan ako ni mama. Naramdamdamn kong umalis na siya sa harap ko parang papunta sa kusina. Sinilip ng isa kong mata ang kusina. Madilim do'n dahil nakapatay na ang ilaw. Pero kita kong may nakatayo malapit sa lamesa. Baka iinom ng tubig si Mama. Naghintay pa ko saglit. Hihintayin ko na lang siyang makaakyat. Pero lumipas na ang ilang minuto parang wala na akong naririnig sa kusina. Sinilip ko ulit. Walang tao? p-pero kanina lang nandito si Mama, ah? nasaan na 'yon? 'Di ko man lang naramdaman ang pag akyat niya sa kwarto. Tumayo na ako at binuksan ang ilaw sa kusina. Wala talagang tao. Makaakyat na nga sa kwarto ko. . . Kinabukasan. "Nak, nasagot mo ba ang tawag ng papa mo kagabi?" tanong ni Mama habang nagpi-prito ng hotdog. "Hindi po, Ma, nakatulog na po ako eh." "Ahh, tulog na tulog din ako kagabi kaya 'di ko narinig 'yong tawag ng papa mo," Nakita ko ngang may two missed calls sa'kin si Papa, mga 12:15 am. Tulog pa ko dito n'on sa sofa. Natandaan ko mga 12:30 ako nagising. Ang lakas kasi ng volume ng t.v. Kagabi kaya 'di ko narinig ung tawag. "Anong oras po ba ung tawag sa inyo?" "Mag-aala una na ng madaling araw," Napakunot noo naman ako. "Sure ka, Ma? bumaba pa kayo kagabi ng gano'ng oras, ah?" "Ha? Anong bumaba, ang himbing kaya ng tulog ko. Hindi na ako bumaba dito. At bakit gising ka pa ng ganong oras, aber? akala ko ba tulog ka na," dudang tanong nito. Patay! "Ahm, nakatulog po kasi ako dito sa sofa kagabi. Narinig ko pa kayong bumaba ng gano'ng oras, tapos dumiretso kayo sa kusina," paliwanag ko. "Di kaya nag-sleep walk si Mama? Wala naman kasing ibang tao dito sa bahay kundi kaming dalawa lang. "Baka nag-sleep walk ka po," "Sleepwalk ka d'yan. Alam ko tulog na tulog ako kagabi," Hindi na ako kumibo. Kung hindi siya ang bumaba sa hagdan kagabi, sino 'yong bumaba sa hagdan at feeling kong nakatingin pa sa'kin habang nakahiga ako sa sofa at pumunta ng kusina? Bigla na naman nagsitayuan ang mga balahibo ko. Don't tell me m-multo na naman 'yon? . . "Hi, Kitkat." Tawag sa'kin mula sa likuran kaya napalingon ako. "Hi, Claire." Nakangiting bati ko. "Ang Aga mo, ah? tara kain muna tayo sa cafeteria. May 30 minutes pa naman tayo bago ang first subject natin," "Sige tara!" Pagdating namin sa cafeteria, napansin ko ung grupo ng sorority, At lahat sila nakatingin sa'kin, Pansin ko din ang sama ng tingin no'ng isang member. Parang matutunaw na ako sa sama ng titig niya, eh.. Expected ko na 'yon dahil sa pagsugod ko sa kanila kahapon. Hinanap naman ng mata ko si Weirdo. 'Yong tinapakan ko sa paa. Hindi ko naman sinasadyang tapakan siya. Nadala lang ako sa emosyon. Ayon siya, nakapikit habang may headseat sa tenga. Buti nga 'yon 'di niya ako nakita. Alam ko naman malalagot ako sa kanya, eh. Naglakad na kami papuntang counter para bumili ng pagkain. "Ang gaganda talaga ng grupo ng sorority, noh?" sambit ni Claire. Maganda? oo, masasabi ko namang magaganda sila. Mukhang mga sosyal. Pero ung si Weirdo, siya ang mas malakas 'yong appeal. Maganda siya. Lalo na kapag tumitig siya, parang tagos tagos hanggang sa kaloob-looban mo. "Ay sorry po. Sorry talaga di ko sinasadya," Paumanhin nung guy na nalaglag ung juice sa harap ng grupo ng sorority.. Halatang takot na takot.. Ano bang meron sa grupo nila at ganun nalang ang takot ng mga studyante sakanila?.. "Relax, wala pa naman kaming ginagawa ah?".. Nakangiting sabi nung girl na may kulay ang buhok.. Nakayuko lang ung guy at halatang hiyang hiya.. Tumayo ung girl at hinawakan siya sa braso.. "Sige na makakaalis ka na".. "S-salamat po..s-sorry talaga," paumanhin pa nung lalaki bago mabilis na umalis. "Bakit ba takot na takot mga students sa grupo nila?" curious kong tanong. "Sikat kasi ang grupo nila dito, at swerte mo pag napabilang ka sa kanila. Walang gagalaw sa'yo, 'di ka mabu-bully. Close din nila mga professors kasi mababait naman sila, eh tsaka 'di sila takaw gulo sa school. Nirerespeto sila ng mga estudyante. Pero kapag kinalaban mo ang grupo nila naku, malalagot ka talaga," paliwanag pa nito. "Bakit malalagot?" maang kong tanong. "'Di mo gugustustuhin ang gagawin nila sa'yo pagnagkataon," "Bakit nga?" kulit ko pa. Malamang kasi 'di malayong gawin din nila sa'kin 'yon. "Dati kasi may grupo ng mga lalaking bumastos sa isa nilang kagrupo, kaya nagalit sila at gumanti. Pinatakbo nila sa gym 'yong lalaki ng 50 times. Tuloy-tuloy 'yon. Walang hintuan," natatawang sabi ni Claire. Nanlaki naman 'yong mata ko. Nagawa talaga nila 'yon? "Hindi ba nalaman ng mga prof?" "Hindi. Mga studyante lang ang saksi sa nangyari at walang nagtangkang magsumbong dahil takot sila na baka sila naman ang pag-initan," So gano'n pala sila, ah? medyo nakaramdam ako ng kaba sa posibleng gawin nila sa'kin, pero 'di ako magpapaapi. Sorority? Sus wala 'yan! sinong tinakot nila?! "Palapit siya sa atin," kalabit ni Claire. Edi, mam-bully sila hanggang sa magsawa mga 'yon. "Psst, Hoy!" Handa ako sa gagawin nilang parusa sa'kin. "Kitkat," Napalingon naman ako sa girl na tumawag sa pangalan ko. Ang boses na 'yon. Nagulat ako sa taong nasa harapan ko na pala. Si...Si weirdo. Takbooooo. Bigla akong tumakbo papalabas ng cafeteria. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Nang makarating ako malapit sa bench tsaka lang ako huminto habang hinihingal. Bakit ba ako tumakbo no'ng makita ko ang weirdo 'yon? Nagulat kasi ako sa presensiya niya. Bigla-bigla namang kasing sumusulpot. 'Di ako takot sa kanya nagulat lang talaga ako, promise! Umupo muna ako sa bench habang hinihingal pa din. . . Feb P.o.v. Nandito kami ngayon sa cafeteria, ng mahagip ng tingin ko 'yong girl na may salarin kung bakit ang sakit at namamaga ang daliri ko sa paa. There you are. Napangisi naman ako. Tumayo ako para lapitan siya. Hindi niya ata napansin ang paglapit ko. Mukhang ang lalim ng iniisip. eh. Nakatingin naman sa'kin 'yong kasama niyang babae. Nang makalapit na ko sa likuran niya. "Kitkat," Sambit ko sa pangalan niya. Napalingon naman siya sa'kin at biglang. Tumakbo? anong nangyari do'n? Mukha ba akong nakakatakot? Hays! Kahapon akala mo kung sinong matapang na sumugod sa tambayan at may lakas ng loob para tapakan pa ako. Tapos ng makita ako tumakbo? 'Di ko mapigilang matawa. Susundan ko siya. Lumabas ako ng cafeteria para hanapin ang kitikiting 'yon. 'Mukhang di pa naman siya nakakalayo, eh. Natanaw ko siya agad sa may bench habang nakaupo. Mabilis akong naglakad palapit sa kanya. "Got yah!" bulong ko sa tenga niya na kanya namang ikinagulat. Kaya naman... Pak! Isang malakas na sampal ang tinamo ko. Shocks! Ang sakit. Ngayon lang ako nasampal ng babae. Napatitig ako sa kanya at kita ko ang gulat sa mga mata niya. Saglit pa kaming nagkatinginan. "Ano 'di ka man lang ba mag-so-sorry?" seryosong wika ko. Hindi siya kumubo habang nakatulala lang. Ang tigas talaga ng babaeng 'to. "Eh kasi naman ginulat mo 'ko. Nasampal tuloy kita," pagtataray niya pa. Ibang klase. "Nakakadalawa ka na, Miss." Na-gets naman niya 'yong sinabi ko. Siya lang talaga 'yong nakapanakit sa'kin, eh. "D-di ko naman kasalanan 'yon. Tska pinahirapan niyo ang pinsan ko kahapon kaya nagawa ko 'yon sa'yo," Sumasagot pa talaga, ah. Nangangatwiran pa, eh. Natutuwa naman ako sa inaasal niya ngayon. Ang cute niya kasing magsungit. Parang...parang si... Naalala ko na naman siya. May dinukot ako sa bulsa ko at inabot sa kanya. Napatingin naman ito sa hawak ko. "Ibibigay ko lang sa'yo 'yan," sabay talikod ko at naglakad na palayo. Bumalik ako sa cafeteria, Napahaplos ako sa pisngi kong sinampal ng kitikiting 'yon. Namumula siya. Ang taray ng babaeng 'yon. Napangiti naman ako. Dapat kasi 'di ko na lang binalik ung panyo niyang nahulog kahapon sa pagtakbo nila. Ang bango nga, eh parang nakaka-adik ang amoy. Parang sweet fruity scent. Hindi masakit sa ilong. "Oh, Bus, nasundan mo ba?" Nakangising tanong ni Lea. Tumango lang ako at umupo ulit sa pwesto ko kanina. "What happen to your face? bakit namumula 'yan?" pansin ni Nina, habang hawak ang pisngi ko. Agad ko naman itong iniwas. "Don't tell me naisahan ka na naman ng babaeng 'yon?" taas kilay na tanong nito. Hindi ako kumibo. Nakakapagod mag-explain. "Aba! dami ng atraso sa'yo no'n, ah? gusto mo ako na magparusa?" suggest naman ni Pearl. "Okay lang ako. Don't worry, Girls." Nagkatinginan lang sila at 'di na kumibo. Second encounter namin ni Kitkat at nasaktan na naman niya ako. Pero bakit hindi man lang ako makaramdam ng galit or inis. Mas gusto ko pa ngang nasasaktan niya, eh. Baliw na ata ako. Napapailing na lang ako at napapangiti. . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD