Kitkat P.o.v.
Hindi ako nakapa-focus sa klase maghapon dahil iniisip ko pa din 'yong nangyari kanina.
Na-guilty din ako dahil nasampal ko si Weirdo. Nagulat ako, eh. Bigla-bigla na lang kasing bubulong sa tenga ko. Nakiliti pa nga ako kaya nasampal ko siya ng wala sa oras. Tsk!
Gusto kong mag-sorry sa kanya. Nadagdagan na naman kasi 'yong atraso ko at malamang sa malamang re-resbakan ako ng kagrupo niya. Hays!
Wala pa akong isang linggo dito pero ang dami ng nangyari sa'kin. Ang masaklap pa dito, nakalaban ko ang sorority na kinaiilagan at kinatatakutan ng lahat dito sa campus.
Dapat maging alerto ako sa paligid ko. Alam kong may binabalak sila sa'kin. Bigla ko naman Naalala 'yong sinabi ni Claire, na pinatakbo 'yong lalaking estudyante sa gym ng ilang beses. Oh gosh!
'Di kaya gawin din nila sa'kin 'yon?! Hindi ko ma-imagine na tatakbo ako do'n ng 50 times. Lawit na dila ko 'di ko pa natatapos 'yong punishment. Ang masaklap pa nito, marami pang makakakita. Wah!
"Psst!" biglang may sumutsot sa likuran ko.
'Hindi ko pinansin, tuloy-tuloy lang akong naglakad palabas ng campus. Ginabi na kasi ako dahil dumaan pa ako ng library.
Bigla akong napahinto sa paglalakad ng makita ko 'yong dalawang babae na nakaabang sa dadaanan ko. Kung 'di ako nagkakamali, isa sila sa member n sorority.
Lagot na!
Paglingon ko naman sa likod may tatlong babaeng palapit na sa'kin. Na-corner na nila ko.
"Oh, where do you think your going?" tanong ng isang girl.
"Uuwi na. Saan pa ba ako pupunta," Pamimilosopo kong tugon.
"Ang taray, ah?" Nakangising sabi niya. Ngising may masamang balak.
"Mamaya ka na umuwi, kakausapin ka pa namin," Sabat naman no'ng isa.
"Anong pag-uusapan natin? gabi na kailangan ko ng umuwi," pagmamatigas ko.
Nilampasan ko silang dalawa na nakaharang sa daanan ko, ng bigla naman akong hawakan sa braso no'ng isa.
"Kinakausap ka pa namin, 'wag kang bastos!"
"Ano ba kasing kailangan niyo sa'kin? Nasasayang lang oras ko," pagtataray ko din. 'Di ako magpapasindak sa kanila, noh. Kahit medyo kinakabahan na 'ko.
"Don't worry, girl, mabilis lang 'to," sabay senyas niya sa tatlong babaeng nasalikod ko.
Hinawakan nila ako sa kamay at braso. 'Di ako makapalag lima sila, eh. Kinaladkad nila ako papunta sa isang bakanteng classroom. Ang dilim at wala ng katao tao sa building na 'to.
Tinulak nila ako papasok sa loob at sabay lock ng pinto.
"Hoy! buksan niyo tong pinto! wag niyo akong ikulong dito!" sigaw ko habang hinahampas ng malakas ang pinto. Narinig ko naman nagtawanan sila. Mga Demonyita talaga!
"Ang tapang mo pa din, ha? pwes, 'di ka lalabas d'yan hanggat hindi ka nagmamakaawa sa amin na palabasin ka,"
"Nek-nek niyo! 'Di ako magmamakaawa sa inyo niyo,"
"Ah gano'n ba? oh sige, d'yan ka na matulog," sabay tawanan nila. Narinig kong naglakad na sila palayo.
Lagot paano na? Agad-agad ko naman kinuha ung cellphone ko at kinapa 'yong switch ng ilaw.
Kapa. Kapa. Nasaan na ba 'yong lintik na 'yon?
Binuksan ko ung flashlight ng phone ko para magsilbing ilaw. Tiningnan ko ang paligid. Napaka tahimik ng paligid at nakakatakot. Nakita ko 'yong switch ng ilaw pero sira ata dahil ayaw bumukas!
Mga walanghiya talaga mga babaeng 'yon. Makikita talaga nila pagnakalabas ako dito. Wala akong pakialam kong member sila ng sorority!
Napaupo na lang ako sa gilid at naiiyak na. Dinail ko 'yong number ni Mama. Naalala ko wala na pala akong load. Ang saklap! kaka-expired lang kasi ng unli ko. Wrong timing naman, oh.
Lumapit ako sa may pinto at kinatok ito baka may makarinig sa'kin sa labas. May mga janitors naman sigurong umiikot dito at guard.
"Tulong! Tulong. Buksan niyo itong pinto," kalampag ko. Baka sakaling may mapadaan at marinig ang sigaw ko.
"'Wag kang maingay, maririnig ka niya," Napalingon naman ako sa babaeng nagsalita mula sa likuran.
Biglang bumilis ung kabog ng dibdib ko. Anak ng! minumulto na naman ba ako? please naman ,'wag ngayon. Pwedeng mamaya na lang?
Dahan-dahan kong inilawan ung paligid at may nakita akong babaeng nakaupo habang nakatitig sa'kin.
Napasandal ako sa pinto at 'di makagalaw. Nangangatog na din 'yong tuhod ko.
"Papunta na siya," narinig kong sabi no'ng babaeng nasa tabi ko na ngayon.
Napaatras ako sa takot. Gusto kong sumigaw pero parang walang boses na lumalabas sa bibig ko.
"'Wag kang sumigaw. Malapit na siya," bulong nito. Pumikit na lang ako sa sobrang takot at natawag ko na ata lahat ng santo sa mga sandaling ito.
"Akong bahala," bulong niya ulit sa tenga ko. Ang lamig ng hininga niya. Ang lamig ng presensiya nito. Hindi ko muna inintindi 'yong takot ko dito sa kasama ko.
Ilang minuto pa ang lumipas narinig kong may nagbubukas ng pinto.
Napasiksik naman ako sa gilid. Biglang bumukas 'yong pinto.
Si Kuyang janitor pala. Mabilis akong napatayo at lumapit sa kanya.
"Sabi na may tao dito eh, anong ginagawa mo mag-isa dito? bakit di ka pa umuuwi?"
Nanginginig pa din ako at parang pagod na pagod 'yong katawan ko sa nangyari sa'kin. Mix emotions na din.
Bago kami lumabas ng pinto, napasulyap pa ako sa loob ng classroom at nakita ko 'yong babaeng multo na nakangiti sa'kin. Mabilis naman akong naglakad palayo sa classroom na 'yon.
"Buti na lang po napadaan kayo do'n," nauutal ko pang sabi. Nanginginig pa din kasi ang katawan ko sa takot. Pinipilit kong kumalma.
"May nagsabi kasi sa'kin na may tao daw sa taas kaya pinuntahan ko,"
"Talaga po? sino po?" maang kong wika.
"Estudyante din dito. Kaya umakyat ako agad para tingnan kung may tao nga. Buti na lang sinabi sa'kin no'ng babae, kundi baka bukas ka pa makalabas sa room na 'yon,"
Buti na lang talaga at may nagsumbong na nandoon ako.
"Kilala niyo po ba 'yong estudyanteng tumulong sa'kin? gusto ko po kasing mag-thank you sa kanya bukas,"
"Hindi eh. 'Di ko na napansin 'yong pag alis niya dahil nagmamadali akong umakyat dito,"
Napabuntong hininga na lang ako. Sino kaya ang babaeng tumulong sa'kin? gusto ko talagang mag pasalamat dito.
.
.
"Nak, bumangon ka na d'yan at baka ma-late ka na," gising sa'kin ni Mama.
Pupungas-pungas pa ako at tinatamad pang tumayo. 'Di kasi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa school, at doon sa multong nagpakita sa'kin. Lagi na lang ata akong minumulto ah?
"Hoy, tulala ka d'yan. Mukhang puyat na puyat ka ata?"
"'Di lang po ako makatulog kagabi."
"Nagbabad ka na naman sa net? alam mo namang maaga pasok mo. Tigas ng ulo mo, ha?" sermon pa niya.
Sabi na nga ba sesermunan na naman niya ko. Ayaw ni Mama na nagpupuyat ako lalo na pag may pasok kinabukasan. Sa hindi ako makatulog, eh.
"Tumayo ka na d'yan para makapag almusal ka na at baka ma-traffic ka,"
Patamad akong tumayo sa kama at baka na naman makurot na ako sa singit ni Mama kapag 'di pa ako kumilos.
.
.
Pagdating ko sa school, hinanap agad ng mata ko ang grupo ng sorority. Lagot talaga sila sa'kin! Hindi ako natatakot sa mga 'yon.
Pagkadating ko sa room nandoon na si Claire.
"Good morning! oh, ba't ang lalim ng mata mo?" Halata ba talagang puyat ako? two hours lang ata kasi tulog ko.
"Medyo napuyat lang," Patamad akong umupo.
"Bakit?" tanong nito. Sasabihin ko bang pinag-tripan ako ng sorority?
"Wala. 'Di lang ako makatulog," dahilan ko.
"Weh? talaga?" dudang tanong niya. Sige na nga, sasabihin ko na sa kanya 'yong nangyari.
"Pinag-tripan ako ng limang members ng sorority kahapon," mahinang sabi ko sa kanya. Nakita ko naman ang panlalaki ng mata niya.
"Talaga? a-anong ginawa sa'yo?" bulong niya at luminga-linga sa paligid.
"Ni-lock lang naman ako sa madilim na classroom," maktol ko.
"Tsk! ano ba kasing ginawa mo at napag-initan ka? 'di naman kasi sila basta-basta nagpaparusa kung wala kang ginawa sa kanila," at nakwento ko sa kanya lahat ng pangyayari.
"Ano?! ginawa mo 'yon? mali ang kinalaban mo, Bes?" Umiiling-iling na sabi nito.
"Alam ko, eh sa nangyari na. Ung pagsampal kay weirdo 'di ko naman sinadya 'yon. Nagulat lang talaga ako," wika ko.
"Tsk. Tsk. Kaya ka pala pinag-initan, eh. Alam mo bang si February ang leader ng grupo," diretsang sambit nito.
Nagulat naman ako sa sinabi niyang 'yon. L-leader? 'yong tinapakan ko sa paa at sinampal ko?
Patay talaga ako nito. Bigla naman akong nanghina sa narinig ko. February 'yong name niya? cute.
"Mag-sorry ka na lang sa kanila,"
"ako mag-so-sorry? no way! nakaganti naman na sila sa'kin, eh. Kung 'di nga dumating 'yong janitor, baka do'n na ko natulog!" inis kong sambit.
"Hay! Ikaw din, 'di ka titigilan ng mga 'yon. Nag-uumpisa pa lang sila, Bes."
Napabuntong hininga na lang ako. Nandito na 'to, eh. Aatras pa ba 'ko? Edi, pahirapan nila, lalaban ako.
Siguro 'yong february na 'yon ang nag-utos para ikulong ako do'n! Well, sa ginawa ko ba naman sa kanya, eh. Siguradong gaganti siya di'ba?
Pero kahapon parang ang bait-bait naman niya.Binalik pa nga 'yong panyo ko, eh. 'Yon pala may binabalak na siya?! kainis!
.
.
Ilang araw namang tahimik 'yong mundo ko at 'di pinag-ti-tripan ng sorority. Mas naging alerto naman ako sa balak nilang gawin. Kailangan ko pa lang pumunta ng library para ibalik 'yong librong hiniram ko.
Pagdating ko do'n wala na masyadong tao. Tumingin-tingin muna ako ng books baka may makita akong pwedeng basahin sa bahay.
Kumuha ako ng isang libro at umupo ako sa may dulo para walang istorbo.
"Look who's here,"
Napaangat naman ako ng tingin sa nagsalita. Alam ko na kung sino 'yon.
Isang babaeng nakangisi habang naka-cross arms. May dalawa pa siyang kasama.
Ang member ng sorority. Shocks! Ito na naman po sila.
"Ano na naman kailangan niyo?" walang emosyon kong wika. Lumapit naman sila sa pwesto ko at pinalibutan ako.
"Akala mo ba abswelto ka na sa amin?" sabi no'ng may kulay ang buhok.
"Quits na tayo, ah?"
"Quits ka d'yan. 'Di pa kami tapos sa'yo. Ang lakas ng loob mong saktan si Febus." Galit na sabi niya.
Febus? si February?
"Nakaganti na nga kayo sa'kin, eh."
"Kulang pa 'yon," sabay sampal nito.
Ouch! sobrang sakit ng paglapat no'ng kamay niya sa pisngi ko.
Napatayo naman ako at tinulak siya. Hinawakan naman ako agad ng dalawa niyang alalay kaya 'di na ko nakapalag.
"Ang tapang mo talaga ah?! Kibago-bago mo lang dito. 'Di mo ba kami kilala, ha?!" mayabang na sabi pa niya.
"Wala akong balak na kilalanin ang mga mayayabang na katulad niyo!" Tinulak naman niya ko kaya napaupo ako habang hawak pa din nila ang braso ko.
"'Wag niyo nga akong hawakan!" Pagpupumiglas ko.
"What's going on here?"
'Yong librarian.
Pa-simple naman nilang tinanggal ang pagkakahawak sa'kin, at umaktong parang walang nangyari.
"Nothing, Mam, we're just talking." Palusot n'ong isa. Mukha namang naniwala si Ms. Librarian.
"Okay. Just be quiet, your in the library," paalala nito at tsaka umalis.
Tiningnan naman nila akong tatlo sabay na ngumiti ng nakakaloko. Tinitigan ko naman sila ng masama. Pagkaalis nila tsaka ko lang nasapo ung pisngi ko. Ang sakit pa din.
Tumayo na ako at mabilis na lumabas sa library baka kasi balikan pa 'ko ng mga walanghiya. Mabilis akong naglakad palabas ng campus ng makasalubong ko si February.
Nagtama 'yong tingin namin, naka black shirt siya at naka black na hoody. Lagi na lang nakaitim 'to.
Bigla naman sumama 'yong timpa ko. May kutob kasi akong siya nag-utos sa mga alipores niya na ikulong ako sa room na 'yon, at nasampal pa ako kanina.
Mabilis akong naglakad ng bigla naman siyang humarang sa dinidaan ko.
"Ano ba?! 'wag ka ngang paharang harang!" angil ko.
Wala naman karea-reaksyon ung mukha niya. Poker face lang. Pag-ti-tripan din ba niya ko? nasampal na nga ako, eh. Kota na sila ah?
Nakaharang pa din siya sa harap ko kaya tinulak ko siya pero nahawakan naman niya 'yong kamay ko.
"'Wag mo nga akong hawakan! ano pag-iinitan mo din ako? nasampal na nga ako ng tropa mo eh, pwedeng bukas naman ang pang bu-bwesit niyo sa'kin? nakabawi ka na sa pagsampal ko sa'yo!" naiiyak na sabi ko. Napakunot noo naman siya at lumapit.
"What are you talking about? anong sinampal?" takang tanong niya.
Sus! nagmamaang-maangan pa ang isang 'to.
"Nakaganti ka sa'kin, 'di mo na kailangan utusan pa mga kagrupo mo para pahirapan ako. Sige, tapakan mo na din ako. Gusto mo sipain mo pa ko, eh para tapos na. Para quits na tayo," pigil na pigil naman 'yong luha sa mga mata ko. Ayokong umiyak sa harapan niya.
"Who did this to you? sino sa kanila?" seryosong tanong nito.
"'Di na mahalaga kung sino. Oo, alam kong maling tao ang kinalaban ko. Saktan mo na 'ko ngayon para tantanan niyo na ko,"
Bigla naman niya akong niyakap, pero nagpupumiglas ako. Kaso mas malakas siya sa'kin. 'Di ko na din napigilan ung luha ko at napaiyak sa braso niya.
"Sshhh. Stop crying. I'm sorry," sabay haplos niya sa buhok ko.
Matagal din kami sa posisyong 'yon at tumigil na din ako sa pag iyak. Bumitaw na din ako sa pagkakayakap sa kanya.
Nagkatitigan kami. Ayan na naman 'yong mga titig niya. Ngumiti din siya at hanaplos ang pisngi kong nasampal.
"Don't worry, they won't bother you anymore. I'm sorry sa ginawa nila sa'yo," nakatingin lang ako sa kanya at nakatitig lang din siya sa'kin.
"You take care always, okay? 'wag ka din masyadong masungit," nakangiting sabi niya pa. Pigil naman 'yong ngiti ko.
"Sige, i'll go agead. Ingat ka," Sabay talikod niya at naglakad palayo.
.
.
.