Mikaella's P.O.V. Nandito na ako ngayon sa bahay. Hinatid ako nila Chase dahil 7:30 P.M. na rin. Dumiretso ako sa kwarto at humiga sa kama. Isang oras at kalahati kami doon dahil habang kumakain ay daldal nang daldal si Earl. Tanong ito nang tanong tungkol sa akin kaya napapakwento ako pero yung mga okay lang sa akin na part ang kinowento ko sa kanila. Masaya kasama si Earl dahil energetic ito at friendly. Opposite na opposite s'ya ni Chase. Minsan talaga ay nagtataka ako kung pano naging magkaibigan ang dalawang iyon. Nang makaipon ako ng lakas ay tumayo ako at nagpunta sa bathroom para mag-half bath. Nagbihis na rin ako ng pajama ko dahil balak ko matulog ng maaga. Pagkalabas ko sa bathroom ay tumalon ako sa kama at niyakap ang unan. Pakiramdam ko ay antok na antok ako. Ilang ora

