Mikaella's P.O.V. Saturday na at nakaupo ako ngayon sa couch habang nakatulala sa television. Nakaalis na si kuya kaninang madaling araw. Halos kalahating oras n'ya ako binilinan dito sa bahay at sa sarili ko. Napabuntong hininga ako at pinatay na lang ang television dahil hindi naman ako nanonood talaga. Binuksan ko lang ito para magkaroon ng ingay dito sa bahay. Tumayo ako at dumiretso sa kusina para magluto ng kakain ngayong lunch. Nang makitang puro frozen ang meats at sea foods sa freezer ay sinara ko na lang ito. Gutom na ako at tinatamad na rin ako maluto. Kumuha na lang ako ng canned na ulam at ito ang kinain. Matapos kong kumain ay naligo na rin ako. Tinignan ko ang oras at nakitang 3 P.M. na pala. Kinuha ko ang mga libro ko sa general math at sinubukang aralin ito pero hin

