Mikaella's P.O.V. Napatingin ako sa langit at nakitang malapit na lumubog ang araw. Sinara ko na ang libro ko sa Biology na inaaral ko at sumandal sa upuan. Pinikit ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay lutang na ako. Dalawang oras ko inaral ang general math pero may mga iba parin akong hindi ma-solve. Pag complicated na ang problem at formula ay nagsisimula na akong mahirapan. Buti pa sa biology ay nage-gets ko kahit papano. Tinignan ko ang oras sa phone ko at nakitang 6 p.m. na pala. Nakakapagtaka dahil wala pang message si kuya. Kahit tawag ay wala rin. Siguro ay nasanay lang ako ngayon na nagme-message s'ya palagi sa akin. Nakalimutan n'ya rin ako siguro dahil walang Mika doon na magpapaalala sa kan'ya sa nangyari ng gabing pagkamatay ng parents namin. Napabuntong hininga ako at

