Andrei's P.O.V. Nandito na ngayon sa police station, sa office ko ang nanay ni Nathan. Nakaupo lang ito at tahimik habang nakatingin lang ako rito. Nakayuko s'ya at alam ko ang nararamdaman nito ngayon. "I'm sorry," mahina nitong sabi habang nakayukom ang palad at nakatingin sa sahig. "Alam kong si Nathan ang nagpapatay kay Stella pero tinikom ko ang bibig ko." Hindi na ako nagulat sa nalaman ko. Narinig ko na ito kay Nathan kanina sa rooftop. "Nathan is my son. Wala ako sa tabi n'ya most of the time pero hindi ibigsabihin non na hindi ko na s'ya kilala. He's my son and i know him. Deep inside, he's kind and soft." "It's not a mistake, Ms. Pinapatay n'ya si Stella and naulit iyon kay Vince," sabi ko rito. Alam ko ang nararamdaman n'ya. Alam kong ipagtatanggol n'ya si Nathan dah

