Liam's P.O.V. Napasigaw ang lalaking sinuntok ko sa pisngi at napahiga ito sa sahig. Mabilis akong napatingin sa kasama nitong papunta sa akin habang may hawak na mahabang kahoy. Nang ihahampas na nito ang hawak n'ya ay agad kong sinangga ang forearm ko rito. Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit nito. Inangat ko ang kabilang kamay ko at malakas na inagaw sa kan'ya ang kahoy. Nakuha ko ito sa kan'ya agad at nang susuntukin ako nito ay hinarang ko ang kahoy, kaya dito tumama ang kamo n'ya. Nakita kong nagulat ito at napapikit sa sakit. Napangisi ako at malakas na hinataw ang kahoy sa ulo nito. Agad naman itong nawalan ng malay at napahiga. Nakita kong may sugat rin ang ulo nito at nagdudgo iyon pero hinayaan ko lang ito. Kung hindi ako lalaban at ipagtatanggol ang sarili ay ako ang bu

