Mikaella's P.O.V. Naalimpungatan ako nang may marinig akong ingay. Kinusot ko ang mata ko at nakitang nasa kwarto ako ngayon. Agad naman akong napaupo nang maalala na lalabas nga pala kami ni Kross ngayon. Mabilis kong kinuha ang phone ko at nakitang alas tres na ng hapon. Tinignan ko kung may message na ito sa akin pero wala parin. Nasaan na kaya s'ya? Napalingon ako sa pintuan ko nang may marinig akong ingay sa labas. Napakunot ang noo ko dahil ako lang naman ang tao dito ngayon sa bahay. Mamaya pa ang uwi ni Kuya Mike. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa tapat ng kwarto ko. Storage room iyon at sa tabi ng room na iyon ang kwarto ni kuya. Tumayo ako at kinuha ang phone ko. Napatingin ako sa bintana ko nang makarinig ako ng ingay don. Nakita ko ang dalawang ibon na nasa labas

