Para akong baliw habang nakangiting mag-isa sa loob ng opisina ni Asher. Wala siya ngayon dito sa Blaise Corporation dahil nakaschedule ang inspeksyon niya sa sarili niyang kumpanya. Hindi naman talaga dapat dito nag-oopisina ang lalaking ‘yun, nandito lang siya upang i-guide ako at syempre para magkasama daw kami araw-araw. Pagkatapos kong basahin at unawain ang isang proposal na hawak ko ay pinirmahan ko na ito. Ngunit, pagdating sa huling letra ng signature ko ay biglang tumigil ang kamay ko ng bumukas ang pintuan. Hindi ko inaasahan ang pagpasok ng isang lalaki mula run. Nang tuluyan siyang nakapasok ay naghinang ang aming mga mata. Na-estatwa ako mula sa aking kinauupuan dahil sa labis na pagkabigla. Pakiramdam ko ay tumigil yata sa pag-ikot ang mundo ko, tila nag-iba ang pintig ng

