“Yes!” Ang naibulalas ko ng manalo sa bidding ang ginawa kong design para sa isang project ng sikat na kumpanya. Kulang na lang ay mapalundag ako mula sa aking kinatatayuan. “Congratulations, Wes!” Masayang bati sa akin ng kaibigan kong si Mike, pagkatapos akong batiin nito ay mahigpit niya akong niyakap. “Thank you! Thank you, di magkamayaw kong pasasalamat sa lahat ng mga kasamahan ko sa trabaho na patuloy pa rin ang pagbati sa akin. Hindi ako makapaniwala na ang isa sa aking mga obra ang napili sa isang subasta ng mga kilalang kumpanya dito sa Europa. Sulit ang halos isang linggong pagpupuyat ko dahil kapalit nito ay milyong halaga. Simula ng makatapos ako ng pag-aaral ay sunod-sunod na ang blessings na dumating sa buhay ko. Maraming malalaking kumpanya ang kumukuha sa serbisyo ko k

