“Mommy!” Sabay na sigaw ng mga anak ko habang nag-uunahan ang mga ito na makalapit sa akin. Natatawa na lumuhod ako sa sahig habang nakabukas ang dalawang braso ko sa ere. Mahigpit ko silang niyakap ay at saka nanggigigil na pinupog ko ng halik ang matambok nilang mga pisngi. Napuno ng tawanan ang buong kabahayan dahil sa makulit na kambal. Ang gwapo ng mga anak ko at hindi maikakaila na anak talaga sila ni Asher dahil parang pinagbiyak na bunga ang mag-ama. Sila ang dahilan kung bakit kailanman ay hindi ako nakaramdam ng lungkot at naging madali din para sa akin ang lahat kahit na mahirap ang sitwasyon ko. “We've been waiting for you, Mommy. You know we can't sleep without you here with us." Ani ni Evan habang naglalambing na nakahimlay ang ulo nito sa aking balikat. Isang masuyong ha

