“Blair! Quickly! Malelate na tayo!” Malakas kong sigaw habang nagmamadali na inaayos ang mga gamit ng aking anak, katuwang si Yaya Esme. Medyo mabagal ng kumilos si Yaya Esme dala ng katandaan. Pero magkaganun man ay si Yaya Esme ang tumatayong magulang ko at lola ng aking mga anak. Kung nasaan ako ay kailangan nandoon din ito dahil kami lang amg magkatuwang sa buhay. “Nanay, are you going with us?” Naglalambing na tanong ni Evan habang kinukuha nito ang kanyang bag mula kay Yaya Esme. “No, Evan, you know naman how old I am na, kapag sumama pa ako ay mas lalo lang kayong malililate.” Nakangiting sagot nito habang inaayos ang polo ng aking anak. “Nanay, was so slow to walk like a turtle, kuya.” Anya ng pilyong anak ko na si Blair na sinundan pa nito ng tawa. Sabay kaming tatlo na luming

