Nang mga oras na ito ay kabado ako at pigil ko na rin ang aking hininga ngunit kailangan kong gawin ang bagay na ito. Gahol na ako sa oras at hanggat maaga ay kailangan ko ng gumawa ng paraan dahil sa masyadong agresibong pagkilos ni Mr. Walker. Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng opisina ng aming boss na si Mr. Western, wala na akong ibang maisip na lapitan kundi ang butihin kong boss. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago kumatok sa pintuan ng tatlong beses. “Come in!” Narinig kong wika ni Mr. Western kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nag-aalangan pa ako kung tutuloy ba ako sa loob o aatras na lang muna. Napalunok ako ng wala sa oras bago nagdesisyon na pumasok sa loob ng opisina nang aking boss. “Oh, Ms. Tucker! What can I do for you? Is there

