Kabanata 20

1020 Words

Hindi alam ni Nihan kung paano hahawakan ang mga dala-dala nang bahagyang sipain ang pinto palabas ng bahay. Kaharap pa rin ni Finn si Catherine. Nang lumapit siya roon ay agad siyang tiningala ng binata habang masama pa rin ang mukha. Napaamang siya nang hablutin nito ang hawak niyang first aid kit. Humarap muli ito sa dalaga, at sinipat ng tingin. "Cath, kaya mo bang sumandal?" mahinahong tanong nito. Hindi sumagot si Catherine, sa halip ay ginawa ang inutos ng binata. Nang mailapat nito ang likod sa silya. Awtomatikong nagtagpo ang mga kilay niya nang kunin ni Finley ang binti nito, at ipinatong sa sariling hita. Dahil nakasuot ng may kaigsiang short ay mas lalo lamang lumalim ang gitla sa noo niya habang nakadako ang mga mata sa kaliwang kamay ni Finn. Kung saan ba iyon tutungo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD