Malungkot na tinitigan ni Finley ang mga kamay na bahagya nang nabawasan ang panginginig. Nasa terrace pa rin siya, pakiramdam niya dito lamang siya makadarama ng kahit konting kaginhawaan. Napabuntong-hininga ang binata nang itaas na ang tingin. Sandaling naningkit ang mga mata niya nang salubungin ng hangin na nagmumula sa dagat. Makalipas ang ilang taon ay akala niya hindi na muli siya aatakihin ng kaniyang trauma. At sa lahat ng pagkakataon ay sa harap pa ng dalaga! Napatiim-bagang si Finley, pakiramdam niya ay ang liit-liit niya dahil sa nangyari. Harapan nitong nakita ang kahinaan niya. "Fin, we should start stretching now." "Can we do it tomorrow?" mahinahon niyang saad. "Come on, Finn. I went on a vacation for about a month, kasi alam ko na ayaw mo mag-therapy." "But you re

