Kabanata 18

1115 Words

"Finley?" untag ni Nihan, binigyan pa ng mas malawak na espasyo ang kanilang pagitan. "Finn?" natatakot niyang dagdag. Tila bigla na lamang sumikip ang dibdib ng binata. Basta na lamang siyang nahirapan huminga. Ang puso niya ay mabilis na mabilis ang t***k, para na itong lalabas sa kaniya nang literal. "Finn, what's happening to you?" natatarantang tanong ni Nihan kasabay nang pag-alis sa kandungan nito. Napayuko ang katawan ni Finn habang mariin ang pagkakalapat ng palad sa parte ng dibdib. Namumula na rin ang kaniyang mga mata, at nagbabadya na roon ang mga luha. Bumaba, at yumuko si Nihan sa kaniya habang punong-puno ang mukha ng kaba. Hinawakan siya nito sa braso, gulong-gulong na pinag-aaralan ang nangyayari sa kaniya. "Finn, anong nararamdaman mo?" "Anong masakit?" naiiyak na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD