Nakatitig lamang si Nihan sa tanawin. Hindi niya magawang kumain dahil sa naging sagutan nila mag-ama. Ngayon ay nagpapahangin na lamang siya para naman gumaan ang sakit sa kaniyang kalooban. "Ayos ka lang?" Piniling umupo ni Haven sa kabilang silya, may kalayuan sa tahimik na dalaga. Katulad kung saan nakapako ang mga mata nito ay doon na lang din niya itinuon ang mga mata. "Okay lang," matabang nitong tugon. "About your dad," alangang aniya nito. Sandali silang nagkatinginan ni Haven bago muling binalikan ang nasa harapan. "Galit na galit siya sa akin." "Nakita ko nga," kaswal namang sagot ng binata. "You know what, Haven. Tanggap ko naman e, 'yong galit niya. Bago ako bumalik dito sa lugar natin ay inihanda ko na ang sarili ko." "Pero sa totoo lang, masakit pa rin pala talaga,"

