Napaubo si Nihan nang mabuksan ang pinto ng silid na kaniyang lilinisin. Tinakpan niya saglit ang bibig dahil sa sumalubong na alikabok sa dalaga.
"Linisin mo iyan ng mabuti, maliwanag?" utos ni Finn sa likuran niya.
Lumingon siya rito habang nakakurba ang magandang ngiti sa labi. Walang pagdadalawang-isip siyang tumango rito.
Napilig naman ng binata ang kaniyang ulo. Sa hilatsa ng dalaga ay mukhang natutuwa pa ito sa inuutos niya.
Paano ba niya maiinis ito ng husto, at mapaalis ng kaniyang villa?
"And 'yong katabing room, sa iyo. Linisin mo rin."
"Copy, Sir!"
Nag-dirty look ang binata nang sumaludo pa ito na parang isang sundalong binibigyan ng misyon.
"By the way, pwede ba munang kumain?" tanong ni Nihan.
"Mamaya na, pagkatapos ko."
Pinaandar ni Finn ang wheelchair patungo sa kusina. Humabol naman ang dalaga at sumabay rito.
"Can we eat together?"
"What?" Nagsasalubong na mga kilay na tanong ng binata.
"Kakain ka rin naman. E, 'di sabay na tayo."
"Wait! I'll prepare!"
Nagpatiunang tumakbo si Nihan palapit sa lamesa. Maliksing naglagay ng dalawang plato, at iba pang pagkain.
"Tara na, kumain na tayo," tawag niya habang may ngiti pa rin sa labi.
Tumirik naman ang mga mata ni Finn, at walang nagawa kung 'di kontrolin ang wheelchair. Nang makaharap sa lamesa ay agad na inasikaso ng dalaga ang kakainin niya.
"What do you want?"
"Do you want fried rice?" kakaiba ang siglang pagtatatanong ni Nihan habang hindi alam kung anong unang ilalagay sa plato ng kaharap.
May pagkakataon na siyang maipakita ang tunay na pagmamalasakit niya sa binata. Ngayon na kaharap niya ito sa lamesa.
"What about milk?"
"Do you drink milk or coffee?"
Nakatunghay lamang si Finn sa dalagang abalang-abala sa pag-aasikaso ng kaniyang agahan.
May tila humaplos naman sa puso niya pero hindi pa rin siya kumbinsido sa ipinakikita nito.
"Alright. I'll just prepare you milk, mas healthy iyon. And-"
"Stop it," malamig na awat ni Finn sa kaniya.
Huminto si Nihan sa pagkuha ng gatas sa refrigerator. Napakurap siya, at hinintay na lamang ang susunod na panunuya ng binata.
"Wanna know what I want?" hilaw na tawa ng binata.
Nag-ipon siya ng lakas na loob bago umikot, at pinagtagpo ang walang emosyon mga mata nila ni Finn.
"I want you to shut up."
"Masyado kang maingay."
"At hindi mo ko kailangan pagsilbihan na para bang hindi ko kaya ang sarili ko."
"Kaya kong maghanda ng pagkain," Nakaangat ang isang kilay nito, at titig na titig sa mga mata niyang nag-iinit na.
"L-look, I'm just trying to help you and serve you, Finn."
"You wanted to help?" ulit nito habang animo'y sinisilip ang mukha niyang nakatungo.
Tumango ang binata habang nakadikit ang naiinis na ngiti sa labi. Kung akala nito ay madadala siya ng mga pa-sweet na galawan ng dalagang ito ay hindi mangyayari iyon.
Isang taon ng bato ang puso niya, at walang makapagpapalambot no'n.
"Huwag mo akong sabayan kumain, at umalis ka sa harapan ko."
Dahan-dahang itinaas ni Nihan ang mukha habang nanginginig ang labing pinipigilan ang mga luha.
Masakit marinig ang mga salitang iyon mula sa taong gusto niyang makasama kahit kumain man lang saglit.
Kahit ngayong umaga lamang.
"Ano?"
"Alis na," nayayamot na untag ng binata habang naghihintay ng gagawin ng dalaga.
Isang beses na tumango si Nihan habang pigil-pigil ang luhang nasa sulok na ng mga mata.
Hindi niya dapat ipakitang laging tumutulo ang luha niya. Dahil mas lalo lamang malalaman na nasasktan siya, kahit na sa simpleng katagang iyon.
Dapat niyang ipakita rito na malakas ang loob niya. Handang tanggapin ang lahat ng sakit, at pait na ibibigay ng lalakeng alam niyang may malaki siyang pagkakasala.
Pinag-aaralan lamang ni Finn ang namumulang mukha, at mga mata ng dalaga. Sigurado siyang hindi makatitikis ito sa trato, at maanghang niyang wika.
Kapag lumaon ay aalis din ito, at hindi na siya guguluhin pa.
"I understand."
Mas lalo lamang kumunot ang noo niya. Kahit may ilang luhang nakabitin sa mga mata ay nagawa pa rin ng dalagang ngumiti. Itinaas pa nito ang mukha, at walang alinlangang sinalubong ang tingin niya.
"Eat well."
"Maglilinis muna ako ng kwarto mo."
"Once you're done eating. Doon pa lang ako kakain," mahinahon nitong pagpayag, at umalis.
Umangat ang kanang sulok ng labi ni Finn habang nakadako pa rin ang mga mata sa kaninang pwesto ng dalaga.
Hindi siya makapaniwala sa sinagot nito. Hindi ba dapat magalit ito sa kaniya dahil sa mga sinabi niya, at ang pagiging big-deal ng simpleng pagsabay nito sa breakfast?
Hindi makapaniwalang anyo na luminga si Finn sa dalagang nasa loob na ng kwarto.
"Ibang klase," iyon na lamang ang bulalas niya.
Pumeywang si Nihan, at pinagmamasdan ang nalinis niyang parte ng kwarto. May dalawang oras na siyang nagwawalis, nagpupunas, at nag-aalis ng maraming alikabok sa loob.
Sinisiguro niyang pulido, at walang makikitang dumi ang binata sa magiging bagong silid nito.
Para naman kahit papaano ay humanga ito, at matuwa sa kaniya.
Inabot ng dalaga ang isang platong may laman na pagkain. Nakatayo siyang sumubo habang pinag-aaralan pa rin ang buong silid.
May kadiliman ang loob kaya nag-iisip siya para kahit papaano ay maging kaaya-aya naman ito.
Habang ngumunguya siya ay hindi pa rin siya humihinto kakaisip. May kalakihan naman ang loob. Kasya rito ang kama, lamesa, kabinet at lahat ng gamit ng binata.
Kaso parang may kulang.
Parang kulang sa buhay.
Puti lang kasi ang kulay ng pintura ng pader nito.
Isang katok ang nagpatigil sa dalagang ngumuya. Isinilip niya lamang ang ulo, at tinanaw ang front door.
"Nihan!"
Matulin niyang ibinaba ang plato, at patakbong lumapit sa pinto.
"Jiggs!" masayang bati niya sa kapatid.
Itinaas nito ang naiwan niyang travel bag, at iba pang gamit sa bahay nila. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ni Nihan.
"Salamat."
"Sino 'yan?" tanong ni Finn habang palapit sa pinto.
Banayad siyang umatras para masilayan ng binata ang kaniyang nakatatandang kapatid. Nagsalubong naman ang mga mata ng magkaibigan.
"Sorry," sambit agad ni Jigs nang makaupo sa tapat na silya ni Finn habang nasa terrace.
Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa karagatan. Narinig pa niya ang paghugot ng marahas na hangin ni Jigs.
"Kung ginugulo ka na naman ng kapatid ko."
"Makikinig ba siya sa iyo?" tanong niya, at binalingan na ito ng tingin.