Kabanata 10

1072 Words
"We both know your sister. She's capable of anything she wants." "Still my apologies, Finn." Tinapunan ng tingin ni Finn ang kaibigan. Nababasa niya rito ang labis na lungkot habang may nabanaag na hiya sa mga mata. Sumandal si Nihan sa gilid kung saan siya nakakubli, at lihim na nakikinig sa usapan ng dalawang binata. Idinikit ang ulo kasabay nang pagtingala niya sa kisame. Bumibigat ang kaniyang dibdib habang ngayon ay naririnig ang dalawang naapektuhan sa ginawa niya sa nakaraan. Kailangan niya talagang makabawi o kahit mabawasan man lang ang nararamdaman ng mga ito na siya ang dahilan. Pinunasan ng dalaga ang luhang hindi na niya na kontrol sa pagtulo. Pero agad iyon nasundan, at nakayuko ang ulo niya kasabay nang paghikbi. "Nihan." "Jigs!" Tumindig si Nihan mula sa pagkakaupo sa sahig, at humarap dito. "Mukhang busy ha?" asar ng kapatid, at saglit na sinilip ang ilang gamit ni Finn na kaniyang inaayos. "Medyo. Lilipat kasi si Finley ng kwarto, nahihirapan kasi siya sa itaas." "Okay ka lang?" Napatingin siya tuwid sa mga mata ng kapatid. Nag-aalala ang tingin nito habang pormal ang mukha. "I-im fine," ngumiti siya ng konti para mapanatag ang kapatid. "I brought your stuff. Nagpadala rin si Mom ng ilang pagkain at gamit mo." "Aww, please tell her thank you. I appreciate it a lot." Dumaan ang ilang segundong katahimikan sa pagitan ni Jigs at Nihan. Ang dalaga ang unang bumasag no'n. "Thank you and sorry Kuya Jigs." "You are always welcome and hindi ko matandaan kung may kasalanan ka sa akin." Yumakap siya sa kapatid, at pumikit ng mariin. Ang buong akala niya noon ay wala na siyang babalikan sa nakalipas na isang taon. Nawaglit sa isipan niya na mayroon siyang si Jigs, na hindi siya iniwan kahit kailan. "Paki-baba na lang," mando ni Nihan sa mga taong nagbaba ng kama ng binata patungo sa kwarto. "Ayos na ba Miss Nihan?" tanong sa kaniya ni Riley, at dumikit. Sinipat niya ng tingin ang huling gamit na ipinasok sa loob. Naroon na ang lahat ng bagay na nasa dating silid ng binata. "Ayos naman," nanatili pa rin nasa loob ang atensyon ng dalaga. Natigilan sa pagkontrol ng wheelchair si Finn nang maabutan ang eksena. Agad na nag-arko ang mga kilay niya nang hagudin ng tingin ang magkadikit na tauhan at si Nihan. Napairap siya nang maaninag pang mas lumapit ang dalaga, at tila may binulong kay Riley. Wala sa loob na napasinghot si Finn dahil sa nararamdamang hindi maipaliwanag na inis. Ibinato niya muna ang tingin sa ibang dako bago muling ibinalik sa dalawa. "Okay na ba 'yan?" obvious na galit niyang tono. Awtomatikong napalingon si Nihan sa binata. Masama pa rin ang anyo ng binata habang may may kahulugang tingin. "Okay na. Nasa loob na 'yong kama mo." "Ganoon na rin ang lahat ng gamit mo," dagdag pa ng dalaga, at bahagyang lumapit sa kaniya. Sinulyapan ni Finn si Riley bago nagpokus sa maaliwalas na mukha ng dalaga. "Okay na po Ma'am at Sir," singit ng ilang lalakeng tauhan. "Salamat po," pasasalamat ni Nihan. "Mauna na rin po ako, Sir Finn at Miss Nihan." Binigyang pansin naman niya ang binata. Humarap siya rito at ngumiti, kanina ay sinadya niya ito sa office ng resort para magpatulong na maghanap ng mga taong pwedeng magbaba ng mga gamit ni Finn. "Thank you, Riley." "Walang problema, Miss Nihan. Basta 'pag may kailangan kayo, tawagin ninyo lang ako," pagbabalewalang sagot nito. Mas lalo lamang lumawak ang ngiti niya sa labi. At hindi pinuputol ang pakikipagtitigan kay Riley. Nagtitimping huminga nang ubod ng lalim si Finn sa isang pwesto. Iba ang tingin ng kaniyang tauhan sa kapatid ng kaibigan. Alam niya iyon dahil lalake rin siya. Nakagat ng binata ang ibabang bahagi ng labi dahil mas lalo lamang siyang nayayamot sa tumatakbo sa isip. "Finn, pwede ka ng magpahinga sa loob," saad ni Nihan nang lumipad ang tingin sa kaniya. Umikot lamang ang bilog ng mga mata ng binata. At padabog na pinindot ang kontrol ng wheelchair. Napaatras si Nihan nang walang habas na dumaan sa gitna nila ang wheels ng binata. Kung hindi sila maagap na naglayo ni Riley ay baka sinagasaan sila nito. Napapikit pa ang dalaga nang ihampas pa nito ang pagsarado ng pinto. Nang imulat niya ang mga mata ay nagkatinginan sila ng binata. "Ma-mauna na po ako," may takot na paalam nito. "Alright, thank you, Riley." Nang umalis ito ay muli niyang binalikan ng pansin ang nakasaradong pinto. Ngumuso siya habang nagsasalubong ang mga kilay. "Ano ba'ng problema mo?" "Bakit ba lagi kang galit?" kausap niya sa sarili. Nakapikit si Finn habang kinakalma ang sarili. Ilang beses niya rin kinontrol na huminga ng normal. Nang imulat niya ang mga mata ay matalim pa rin ang tingin ng binata. "Bakit ba ako naiinis?" hindi niya napigilan itanong sa sarili. "Aray!" "s**t!" kumalampag ang na bitawan ni Nihan na takip mula sa kawaling nakasalang sa apoy. Atubiling-atubili siya sa pagluluto ng hapunan nilang dalawa. Buti na lamang ay kahit papaano may natutunan siya habang malayo sa lugar nang isang taon. Dahil malayo, at nasa ibang bansa kasama ang kaniyang boyfriend. At ngayon ay kaniya ng ex, ay natuto siyang magluto, maglinis at maglaba. Lahat na mga bagay na hindi niya nagagawa noong nakatira pa siya sa mga magulang. Aaminin niyang lumaki siya sa luho, at walang alam na gawaing bahay. Ngunit nang tumakas kasama ang kaniyang ex ay marami siyang natutunan. Iyon lang talaga ang naibigay na tama nang ginawa niyang kalokohan noon. "Ano 'yan?" Maagap siyang lumingon kay Finn na patungo sa kaniya. Ngumiti siya nang ubod ng tamis dito. "I cooked chicken curry." "Chicken currry," ulit nito sa blankong ekspresyon. "Yeah. Don't worry I'm good at it. Madalas kong niluluto ito noong nasa Hongkong ako-" kusang napatigil si Nihan, at napalunok. Marahan, at may takot na sinasalubong ang tingin ng binata. Napakurap siya nang makitang natigilan din ito sa sinabi niya. Mapaklang napangiti si Finn. Hindi niya inaasahang masasabi iyon ng dalaga, at may pagmamalaki pa. "You used to cooked it for your ex?" panunudyo niya. "That's not what I meant," mahinang bawi niya, at naging malikot ang mga mata. "Itapon mo na lang iyan. Dahil hindi ko kakainin 'yan," gigil na bigkas ni Finn, at kung nakatutunaw ang nagliliyab niyang tingin ay baka wala na ang dalaga sa kaniyang harapan. "Finley!" habol na tawag ni Nihan nang umalis ang binata. "Stupid!' Tapik niya sa sariling bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD