Kabanata 11

1075 Words
Nakangiwi dahil sa sakit ng katawan si Nihan habang humihiga sa manipis na higaan. Hindi na rin niya nalinis ang sariling kwarto dahil inabot siya ng hapon sa pag-aayos ng silid ni Finn. Isang mabigat na paghinga ang pinakawalan niya nang maramdaman ang paglapat ng likod. Parang unang beses niyang makahiga, ganoon ang kaniyang pakiramdam. Nakatihaya ang dalaga habang nakatitig sa kisame. Mula rito ay nakita niya ang mga ilang alikabok, at sapot sa loob. Nang igala niya ang tingin sa paligid ay naroon pa rin ang ilang kahon, at mga sirang gamit. "Bodega," malungkot siyang nakangiti habang nagpipigil ng mga luha. Tumagilid siya, at ang pader na harang sa kanila ni Finn ang pinagmamasdan ng dalaga. "Finley." "Titiisin ko lahat para sa iyo." "Para sa kapatawaran mo." "Maghihintay ako." Ilang beses nagpabiling-biling si Finn sa higaan. Hanggang sa marahas na tumihaya nang pagkakahiga ang binata. Umuusok ang ilong niya dahil sa pagkayamot. "Bakit hindi ako makatulog?" "Damn," dagdag niyang saad. Hindi niya sinasadyang humarap sa pader kung saan nasa kabila lamang ang dalaga. Naalala niyang sa sahig lamang ito nakahiga dahil hindi pa rin maayos ang kwarto nito. Hindi niya alam kung bakit na kokonsensiya pa siya sa kabila ng galit na nararamdaman niya rito. Ganoon ba siya kabait? "Oh!" Naglikha ng malakas na tunog ang pagkahulog ni Finn sa kama. Napahawak siya sa sariling bewang habang hindi maipaliwanag ang sakit na bakas sa mukha. "Finn?" "Okay ka lang?" mabilis, at walang hinto sa pagkatok si Nihan sa pinto ng kwarto ng binata. "Finn!" kinakabahang tono ng dalaga habang nakadikit ang tenga sa pinto. Sa sakit ay napapikit ng labis si Finn habang hindi alam kung saan ibabaling ang katawan. Napatanaw siya sa bintanang nasisinagan na nang pasikat na araw. Nagmamadaling inilapag sa lamesa ni Nihan ang hawak na kahon ng cereal. Bago tensyonadong, at humahangos na bumalik sa pinto. "Finn!" "Are you okay?" "Finn!" Bahagyang inangat ng binata ang katawan, at tinanaw ang pinto kung saan nangagaling ang boses ng dalaga. Nagsumikap si Finn na ibangon ang itaas na katawan. Nang makabangon paupo ay hindi pa rin naaalis ang kaniyang pagkangiwi. "Finn!" "Ayos ka lang ba?" Binato niya ng tingin ang wheelchair sa 'di kalayuan. Napukaw ang atensyon niya nang makita ang sunod-sunod na paggalaw ng doorknob. "Finn!" tawag ni Nihan mula sa likod ng pinto. Kinakabahang siyang napalunok ng sariling laway. Hindi siya pwedeng madatnan ng dalaga sa ganitong kaawa-awang posisyon. Pinasadahan ng tingin ni Finn ang sarili. Nakadama siya ng galit, at awa. Nang marinig muli ang pagtawag ng dalaga ay agad siyang kumilos. Gamit ang pang-upo ay gumalaw ang binata palapit sa wheelchair. Pero iilang pagpapadulas pa lang ng pwet ay abot-abot na ang pagkahingal niya. Saglit pa siyang huminto para huminga. May iilang yapak pa ang layo niya sa wheelchair. Napamura siya sa isip, buong lakas, at pinilit tumayo. Dahil sa pagkabali ng mga buto sa hita, binti at mga paa ay muli siyang bumagsak padapa. Napaungol siya sa tumamang sakit sa kaniyang kaawa-awang katawan. "Finley!" sumidhi ang nerbiyos ni Nihan mula sa labas ng kwarto. Rinig na rinig niya sa pangalawang pagkakataon ang hindi mawaring tunog mula sa loob. Natatarantang nagpalinga-linga ang dalaga. Walang pumasok sa isip niya para malaman ang sitwasyon ni Finn sa loob. "Hay! Bahala na!" Halos magkandarapa si Nihan papasok ng sariling kwarto. Hinablot niya ang sariling bag, at itinaktak ang laman sa ibaba. Mabilis siyang yumuko, at pinulot ang isang atm card. Isang iglap lang ay nasa tapat na siya ng pinto ng silid nito. Agad niyang ipinasok ang card. Ilang beses niyang sinubukan hanggang sa mabuksan niya ang pinto. "Finley!" Dinaluhong nang mabilis ni Nihan si Finn na nakadapa, at gumagapang. "Finn, are you okay?" garalgal niyang tono. "What the?!" Mula sa likuran ay hinawakan siya ng dalaga sa magkabilang balikat, at pilit na itinataas. "Don't touch me!" bulyaw niya rito at habang pinipiksi ang mga balikat. "Finn!" pakikipagpilitan ni Nihan habang ibinabalik ang mga kamay para alalayan ang binata. Gamit ang braso ay hinawi ni Finn ang kamay ng dalaga dahilan para matigilan ito. Ang pagkakataon na iyon ang sinamantala niya. Dahil malapit sa kama ay itinuon niya ang mga palad doon, at inipon ang natitirang lakas para tumindig kahit bahagya lamang. "Finn," hindi pa rin napigilan ni Nihan ang sarili na hawakan sa likod ito habang halata niya ang labis na hirap sa mga kilos nito. "Sabing bitawan mo ako!" hiyaw nito, at tuluyan nang nakaupo sa kama. Nakaupo siya sa sahig habang nag-uulap ang mga matang nakatitig lamang sa binata. Hingal na hingal ito, at naliligo ng pawis. Ganoon ba talaga kahirap tumayo mag-isa para sa kaniya? Umalon pa rin ang malapad na dibdib ni Finn habang kaunti lamang ng parte ng pwet ang nakaupo. Ito lamang ang kinayanan niya para hindi siya basta na lang panoorin ng dalaga sa kaniyang masalimuot na sitwasyon. Tahimik lamang sila sa kwarto habang unti-unti bumabaha ng liwanag mula sa sikat ng araw. Isang matiim na tingin ang pailalim na binato ni Finn kay Nihan. Umusbong ang galit sa kaniya nang hindi magustuhan ang nakaaawang tingin nito. "Huwag mo akong tingnan ng ganiyan," matigas niyang saway. "I'm sorry. Do you need anything?" "Kailangan mo ba tumayo?" "Come on, I'll help you," Pinunasan ng dalaga ang iilang luha na bumagsak nang tumayo siya. "I don't need your help," sagot naman nito. Itinuon ni Finn ang atensyon sa kinalalagyan ng whechair. Pasimpleng siyang bumuga ng hangin para ihanda ang sariling lumapit mula roon. "Tulungan na kita," boluntaryong saad naman ni Nihan, at nagpunta sa wheelchair. Nang ilapit iyon sa kaniya ay aakma ang mga kamay nito na hawakan siya. Ngunit mabilis niyang iniwas ang sarili, at tiningala ito. "Don't touch me." "Finn, please. You need help," pakiusap ni Nihan habang namumuo na naman ang mga luha. "Yeah, I need help. Pero kung galing lang din sa iyo. Huwag na," desididong tugon ng binata. Dahil malapit na lamang ay iniyuko niya ang itaas na katawan. Matiyagang inabot gamit ang nanginginig na braso ang arm rest ng wheelchair. "f**k," naiinis niyang usal. Animo'y may nakabikig sa lalamunan ni Nihan habang pinanonood ang binatang hirap na hirap sa kalagayan. Pero sino ba'ng dapat sisihin sa nangyari rito? Hindi ba siya? Hindi pa man niya alam ang aksidenteng kinasangkutan ni Finn ay sigurado siyang may kinalaman siya roon. "Come on. Hayaan mo 'kong tulungan ka, pakiusap." Nang tumapat siya sa harapan nito ay maagap siyang itinulak ng binata palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD