"Tanga ka ba o bingi?!" sikip ang boses ni Finn sa loob ng silid. Ang namumuong luha sa mga mata ni Nihan ay tuluyang kumawala habang nakatitig sa binata. Namimintig ang mga ugat nito sa leeg, at nagdikit-dikit ang mga linya sa noo. Hindi niya malaman saan pa siya kumuha ng lakas para hawakan pa rin ang wheelchair, at ilapit sa binata. "Finn, please?" "Umalis ka, kaya ko ang sarili ko." Tinibayan ni Finley ang katawan. Muli niyang itinuon ang mga kamay, at binuhat ang sarili para umupo sa wheelchair. Agad niyang pinaandar ito, at wala siyang pakealam kung mabangga o maatrasan ang dalaga sa likuran. Tumingala si Nihan sa kisame nagbabakasakaling huwag tuluyang tumulo ang luha. At nang ibaba ang mukha ay nasundan lang niya ng ito ng tingin. "May masakit ba sa iyo?" Sandaling humint

