"A-aray," daing ni Nihan nang magmulat. "Okay ka lang?" tanong ni Finley. Tumango siya, inalalayan nitong makabangon ang dalaga. Bago hinawi ang nakatakip na telang duyan sa kanila. Sabay silang bumangon paupo. Natigilan ang dalawa nang makita sina Jigs, Catherine at Season na nakatunghay sa kanila. Matulin silang nagkatinginan pagkaraan muling binalikan ang tatlo. "Nagawa ninyo talagang pigtalin 'yang duyan namin?" Nakanganga, at marahang bawat bigkas ni Season. "Hindi yata maganda ang pagkakagawa. Maluwag," seryosong sagot ni Finn. "Ano ba kasi'ng ginagawa ninyo riyan?" banas na singit ni Catherine na halos magulo ang buhok dahil sa pagkamot. "Come here," isang nakasusuyang tingin ang ibinigay muna nito kay Nihan bago lumapit sa binata. Tumulong si Jigs sa pagtayo kay Finley.

