Kabanata 71

1171 Words

"Ready na 'yong dinner." Pinagmasdan ni Finley ang nakaupo, at nakatagilid na si Nihan. Naroon ang dalaga sa isa sa mga kubo. Nakatitig sa madilim na kawalan. Pinaandar niya ang wheelchair, at tumabi rito. Doon niya maliwanag na nakita ang luha nito sa mga pisngi. Agad na nagbara ang kaniyang lalamunan. "Ka-kain na tayo," mahina niyang wika. Matuling pinunasan ni Nihan ang mga luha. Hindi siya luminga, at hindi inaalis ang mga mata kung saan. "Okay ka lang?" Doon siya tuluyang nagbaling ng mukha kay Finn, at sumagana pa lalo ang mga luha. "I'm sorry," hagulgol niya. Napakurap ang mga mata ng binata. Iginaya siya nito para yakapin. Nangingilid ang mga luha ni Finley habang kulong-kulong ang dalaga sa kaniyang braso. Emosyonal na rin siya dahil sa nakikitang pinagdadaanan ni Nihan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD