"Pumasok ka sa kwarto mo. Maglagay ka ng damit," natatarantang mando ni Finley nang pumasok si Nihan sa cabin. Agad na nag-arko ang mga kilay niya habang palapit dito. Balisang-balisa ang binata habang nagtitipa ng kung ano sa hawak na cellphone. "Call Jigs to come and pick you up. You will spend the night at your house," dagdag pa nito sa parehong emosyon. Huminto si Finley, at napatingin sa mga paa ng dalaga na hindi pa rin kumikilos. Itinaas niya ang mga mata rito, at nagdugtong ang tingin nila. "Bakit 'di ka pa nakilos?" tanong niya. "Doon ka muna for the meantime." "Bakit?" Kumisap naman ang mga mata ng binata. Alam niyang naguguluhan ang dalaga sa mga inuutos niya ngayon. "Basta. Can you just follow?" malumanay niyang aniya. "I will follow you but you have to tell me the r

