Napatingala si Finley sa kisame nang walang magawa dahil nakasampa na sa kaniya ang dalaga. Karga-karga nito si Meadow. Kahit may alinlangan ay hinawakan niya ito sa magkabilang bewang para alalayan. "Baba na," tinakpan niya ng inis ang nanginginig na tinig nang luminga rito. "Pinapababa na tayo ng Daddy mo, Meadow," Nakangiti si Nihan nang salubungin ang nakatigilid na mukha ng nayayamot na binata. "Ang bigat mo," reklamo nito pero dama pa rin niya ang mga kamay sa kaniyang bewang. "Anong ako? Baka si Meadow." Tiningnan ni Finley kung sino'ng nakasakay bago muling sinalubong ang mga nagingislap na mga mata ng dalaga. Ngumiti lang ito na nakapagpahinto ng kaniyang oras. Ang mga mata nitong bahagyang naniningkit habang may magandang ngiti sa mapula, at manipis na labi. Napalunok siya

