"Akin na 'yan," seryosong turo ni Finn sa braso ni Nihan. Nahihiyang umusod ang dalaga para mapalapit rito. Nasa gilid pa rin ng kama ang binata habang nakaupo sa wheelchair. Habang siya ay nasa bungad ng higaan. Sandali siya nitong sinulyapan bago may pag-iingat na kinuha ang braso niya. Marahang inalis ang pagkakaikot ng bandage. "Ano'ng sabi rito ng doctor?" tanong nito sa baritong tinig. Tiningala siya ni Finn nang hindi agad siya sumagot. Mabilis, at parang patay-sindi na ilaw ang pagkurap ng kaniyang mga mata. "A, mi-minor injury lang." "Need lang ng cold compress," naiilang niyang dagdag habang kagat-kagat ang ibabang bahagi ng labi. "Tinanong ko si Cath, mas better kung hindi siya lalagyan ngayong gabi ng bandage," saad ni Finley. Awtomatikong umikot ang mga mata ng dalaga.

