Malakas ang ginawang pagbalikwas ni Nihan. Habol niya ang hininga, pilit siyang lumulunok ng laway sa natutuyong lalamunan. Sa pagkakatulog niya ay malinaw niyang napanginipan ang lahat ng nangyari noon. Kusang tumulo ang kaniyang mga luha. Bumaling siya sa araw na kasalukuyang bumabaha sa loob ng kaniyang silid. Ramdam niya ang pinong kirot ng puso. Ngayon niya lang napagtanto na sobrang sama niya pa lang tao. Ang laki ng kasalanan niya kay Finley. "Nihan." Mabilis niyang pinunasan ang mga luha. Tiningnan niya ang nakapinid na pinto. "Nihan, it's Yam." Nanginginig pa ang labi ng dalaga habang patuloy ang pag-agos ng mga luha. Napilitan siyang tumayo, inayos niya muna ang hitsura bago binuksan ang pinto. "Good morning-" Natigilan ito nang makita siya. "Y-yam," Naiiyak na aniya n

