"Brad, ano ba?" impit ang boses ni Nihan habang hinahatak siya palabas ng hotel. Kulang na lamang ay mangudgud ang mukha niya dahil suot-suot na niya ngayon ang kaniyang wedding gown. Hindi niya alam kung paano nakapasok ang binata ng hotel kung saan sila nagpalipas ng gabi. Pabalya siya binitawan ng kaniyang nobyo. Narito sila sa parking lot, maraming sasakyan kaya't walang makapapansin sa kanila rito. "What the f**k, Nihan?!" "Talagang magpapakasal ka sa ibang lalake?!" Harap na harap sa mukha niya si Brad, at halos maligo siya ng laway nito. May isang linggo bago pumayag ang dalaga sa kasal kay Finley. Kahit siya ay hindi maintindihan ang nararamdaman. Kung masaya ba siya o hindi. Kahit na pumayag sa pag-iisang dibdib sa binata ay hindi pa rin niya kinakausap ang mga magulang

