"Matulog ka na," mahinahong payo ni Jigs kay Nihan matapos huminto sa tapat ng silid nito. "I will," matamlay niyang tugon. Kanina hinayaan lamang siya ng kapatid umiyak nang umiyak habang akbay nito. Nagsalo rin sila sa isang bote ng beer para siguro hindi niya lang mainom ang lahat. Wala siyang narinig na kahit ano mula rito pero ilang beses niyang maulinigan ang pagsinghot ng binata. Sa tingin niya ay naiiyak na rin ito dahil sa pinagdadaanan niya. "Matulog ka na, ayos na ako." "Sige. Goodnight," Nginitian ni Jigs ang bunsong kapatid kahit na nababagabag na rin ang damdamin. Hinintay muna ni Nihan makapasok ito sa loob ng silid. Bago niya binato ng tingin ang nakapinid na pinto ng guest room. Ano kayang ginagawa ng dalawa sa loob? Kahit gusto niyang lumapit, at pakinggan ang mg

