KASALUKUYANG NILALAGYAN NI Aimee ng juice ang bawat baso ng lahat nang marinig niya ang sinabi ni Congressman Tan, "After ng graduation, pwede na nating planuhin ang kasal! Bakit pa natin patatagalin? Doon din naman ang tungo ng dalawang ito, eh! Tama ba ako, ijo?"
Napakunot ang noo ni Aimee nang mapansin niyang tumingin si Congressman Tan kay James. Doon na rin pumasok sa isipan niya ang salitang kasal. At ganoon na lang ang pagkagulat niya nang marinig niyang sumagot ng 'Opo' ang binata. Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi siya tanga para hindi maunawan kung ano ba talaga ang pinag-uusapan ng mga ito.
Nagtatanong ang mga mata ni Aimee na tumingin kay James, pero umiwas ito ng tingin sa kanya.
Nagsimula na ring mangatog ang mga kamay ni Aimee. At dahil doon, hindi niya sinasadyang matapunan ng juice ang magarang damit ni Kathleen.
Nagulantang ang lahat lalo na si Madam Juliet. Nagawa pa nitong singhalan ang dalaga sa harapan ng lahat. Samantalang si Aimee naman ay walang patid ang paghingi ng sorry kay Kathleen habang tinatangka niyang pinupunasan ang parte ng damit nitong nabasa.
"Don't touch her!" singhal ng Mommy ni Kathleen na siyang dahilan para mapaatras si Aimee, si Madam Lucila.
"Tawagin mo si Meeya. Siya muna dito, at doon ka muna sa dirty kitchen," pabulong na utos ni Aling Lupe, ang ina ni Aimee.
Dahil sa labis na kahihiyan ay nagmamadali nang tumakbo si Aimee sa dirty kitchen. Kaagad naman siyang sinalubong ng kapatid niyang si Meeya.
"Okay ka lang?" tanong nito, "Namumutla ka kasi, Ate!"
"Ikaw muna daw doon," tugon ni Aimee sabay ang pagpasa ng petsel sa kapatid, "Doon na lang muna ako sa likod-bahay para magpahangin. Pakiramdam ko kasi, biglang nanikip ang dibdib ko."
Kahit puno ng pagtataka at pag-aalala ay hindi na nakakibo pa si Meeya. Napatingin na lang ito sa pintuan ng kusina nang marinig nito ang boses ng ina, "Meeya, magdala ka ng tissue!" utos nito, at dali-dali na itong tumalima. Nagawa pa nitong sulyapan ang kapatid bago tuluyang umalis.
Samantala, marahas na hininga naman ang pinakawalan ni Aimee sa mga sandaling iyon. Naisipan na niyang magtungo sa likod-bahay para lumanghap ng sariwang hangin. Gusto man niyang pigilan ang pagbagsak ng luha niya ay hindi na niya nagawa pa.
Ang daming tanong ang biglang nagrumble sa utak ni Aimee. Pakiramdam niya ay para na siyang sasabog. Hindi na niya naman alam kung kanino ba siya dapat magtanong kung ano nga ba talaga ang nangyayari? Kung tama ang pagkakaintindi niya kanina? Mukhang pinagkakasundo na sina James at Kathleen ng mga magulang ito? Alam naman niya ang pagiging magkaibigan ng dalawang pamilya, pero hindi lang talaga niya akalain na magkakaroon ng Arrange Marriage para kina James at Kathleen. Ang buong akala niya, sa mga teleserye lang nangyayari ang mga ganito. Pati pala sa totoong buhay.
"Langit-Lupa, impyerno? In-In-Impyerno! Saksak-puso, tulo ang dugo! Patay! Buhay! Ikaw ay mamamatay!"
Sa lalim marahil ng iniisip ni Aimee ay hindi na niya namalayan ang pagsulpot ni John sa kanyang likuran. Nagawa pa nitong hawakan ang magkabila niyang balikat na siyang nagpagulat sa kanya ng labis.
"Ano ka ba?!" inis na saway niya
"Masyado ka kasing seryoso!" natatawang sabi nito.
Si Mark John Ramos, ang nakakabatang kapatid ni James. Halos isang taon lang ang agwat ng edad ng dalawa. Kaya madalas na napagkakamalan na kambal ang mga ito. Pero kahit ganoon, malaki ang pagkakaiba ng ugali ng dalawa. Mature na kung mag-isip si James. Samantalang si John naman ay sadyang may pagkaisip-bata. At pasaway.
"Hindi ka nakakatawa! Saka, anong ginagawa mo rito? Bakit nandito ka?" tila pagtataboy ni Aimee sa binata.
"Hindi naman ako ang ikakasal, eh! Kaya okay lang na wala ako doon!" nakangiting katwiran ng binata.
"So, totoo nga? May arrange marriage na nagaganap kina James at Kathleen?" pagpumpirma niyang tanong.
"Nasa sinapupunan palang silang dalawa ay pinagkasundo na sila!" tugon nito.
Hindi na nakakibo pa si Aimee. At lihim na napakuyom ang kanyang mga kamao. Matagal na palang engage ang dalawa pero paano pa siya nagawang ligawan ni James? Paano na siya ngayon? Paano na itong dinadala niya?
"Teka, umiiyak ka ba?" Biglang sita ni John.
"H-hindi, ah!" pagtanggi ni Aimee sabay ang pagpunas ng luha niya, "A-Ano kasi... S-Sumasakit pa kasi ang tiyan ko kaya ga'nun."
"Talaga? Saan banda?" nag-aalalang tanong nito, at tinangka pa nitong hawakan siya.
"Wala! Wala!" awat niya rito.
"Huwag ka na kasing umiyak! Nalulungkot din ako!" parang sabi nito.
Matipid na lang na nginitian ni Aimee ang binata. Ang totoo, simula pa noong mga bata sila ay sadyang malambing na ito sa kanya. Minsan pa nga itong nagbiro na papakasalan daw siya nito balang-araw. Ramdam naman niya ang pagiging mabait nito sa kanya. Pero aaminin niyang hanggang kapatid lang talaga ang tingin niya rito.
Kinabukasan....
Kasalukuyan nang nasa classroom si Aimee nang makatanggap siya ng text message mula kay James.
"Pwede ba tayong mag-usap? Doon sa rooftop, hihintayin kita!"
Mariin na tinitigan ni Aimee ang screen ng cellphone niya. Parang hindi pa siya makapaniwala na nakuha pa siyang i-text ng binata matapos ng mga nangyari kagabi. Hindi na niya alam kung gaano na siya katagal na nakatitig message nito nang mapansin siya ni Danica.
"Gustong makipag-usap?" tanong ng kaibihan na parang nahulaan na nito ang laman ng text message ni James.
"Ha? Oo!" tumango si Aimee saka na niya tinago ang kanyang cellphone.
"Kausapin mo. At sabihin mo na sa kanya ang totoo," payo ni Danica.
"Pero..." May pag-aalinlangan na tinignan ni Aimee ang kaibigan. Dahil ang totoo ay parang hindi pa kasi niya kayang harapin si James dahil sa mga nalaman niya.
"Sige na, ako na bahalang magsabi kay Prof kung nasaan ka," nakangiting sabi ni Danica, "Saka kailangan mo talagang makausap siya para sabihin ang tungkol sa dinadala mo. Para sa ganoon, magawan niya ng paraan. Baka dahil d'yan umatras siya sa kasunduang kasal kay Kathleen."
Napakunot ang noo ni Aimee, "Paano mo nalaman ang tungkol doon?" Nagtatakang tanong niya.
Parang si Danica naman ang nagulat, "A-Ano kasi...." Napakamot ito ng ulo, "...Kay Madz, nabanggit niya sa akin. Nabanggit kasi ni John sa kanya kanina."