#GabrielDelFuego
CHAPTER 4.
Bumalik ako sa ospital upang ipaalam kay nanay na may trabaho na ako, matutuwa siya kapag nalaman niya at maipapagamot ko na siya.
Iyon nga lang hindi ko na siya muna makakasama nang ilang buwan dahil kailangan kong pagtrabahuan para maipagamot na siya.
Nakakalungkot man pero kailangan din itong tanggapin dahil ito lang ang tanging paraan para matapos na itong problema namin.
"Nay, dinalhan kita ng pagkain mo," wika ko pagpasok ko ng madatnan kong gising siya.
Tulog si Julian at mukhang napagod ito kakabantay, ginising ko muna siya para kumain na rin. Alam kong gutom na rin siya.
"Saan ka galing nak?" tanong ni nanay at agad naman akong humarap sa kaniya.
"Nay, naghanap po ako ng trabaho at mabait ang diyos dahil binigyan niya ako ng magandang trabaho," sagot ko. "Iyon nga lang, kailangan ko munang doon tumira, nandito na man si Julian nay, tsaka ipapagamot ka ng boss ko!" dagdag ko pa.
"Mag-iingat ka palagi, huwag magpabaya sa sarili," aniya.
"Oo naman po, gagawin ko lahat para sa'yp nay," sagot ko naman ay niyakap ko siya ng napakahigpit.
Habang sinusubuan ko siya ay nagising naman si Julian at nagulat siya ng makita niya ako na sinusubuan. Akala kasi niya matatagalan ako dun.
"Oh nandito ka na? Kamusta? Pasok ka na? May trabaho ka na?" sunod-sunod na tanong niya.
"Pshh! Kalma wait, isa-isa lang!" natatawang sagot ko sa kaniya.
Sigurado ako na masisiyahan siya sa balitang dala-dala ko, siya kasi ang nagsabi na doon ako hihingi ng tulong o papasok para mag-apply ng trabaho. At mabuti na lang talaga nandito si Julian kung hindi siguro hindi ako makakahanap pa ng trabaho.
Pagkatapos kumain ni nanay ay sinamahan naman ako ni Julian sa labas. Doon kami mag-uusap kung anong pwedeng gawin ko, hindi ko pa talaga alam kung paano ko sisimulan ang trabaho ko. Kung ano ang dapat gawin.
"Ano ba sabi niya?" tanong nito.
"Sabi niya ang trabaho ko ay bantayan ang anak niya, kailangan ko raw baguhin ang ugali niya," paliwanag ko naman.
"Babysitter? Hindi ko alam na may sanggol pa siya? Sa bago ata?" kunot noong tanong niya.
"Hindi ata, kilala mo ba si Luke Esteban? Iyong anak daw niya na sobrang tigas ng ulo," wika ko at biglang lumiwanag ang mukha niya ng binanggit ko ang pangalan ni Luke. Hindi ko alam kung magkakilala ba sila o ano.
"Legit?! Omg gwapo iyan! Maraming nagkakandarapa diyan! Pero bakit babantayan?" aniya at biglang humigop ng mainit na kape.
"Siguro kasi matigas ang ulo, siguro di na siya kaya ng daddy niya, pero anong gagawin ko? Paano ako magsisimula?" humingi ako ng tulong kay Julian, kung ano ba ang masasabi niya doon kung may idea ba siya sa mga ganito.
"Get to know each other muna, depende naman iyan sa sasabihin ni sir Esteban kung ano ang gagawin mo sa kaniya," aniya.
"Iyon nga kailangan ko raw paamuhin si Luke at kailangan makuha ko raw ang loob niya," paliwanag ko naman.
"Edi dapat alamin mo muna ang ugali niya, para maka-adjust ka at alam mo kung saan siya galit, ano ang bawal at ang mga gusto niya," at napatango naman ako sa sinabi niya.
Tama siya, para maka-adjust ako kailangan mas marami akong nalalaman tungkol sa kaniya. Para pag nagsama na kami kilala ko na siya at makapag-adjust ako.
"Tumawag ka lang sa akin kung may mga kailangan ka i-chika," aniya.
"Syempre tulongan mo ako, tawagan kita," sagot ko naman.
Excited na ako sa bagong trabaho na papasukan ko, hindi naman siguro iyon masyadong mahirap. Kung mahirap man edi kakayanin. Hindi ako pwede sumuko, para ito kay mama at para maipagamot siya.
"Ano kya ang posibleng mangyari?" tanong ko.
"Baka maging personal assistant ka na may bitbit na rules? O baka sasama ka kahit saan siya pumonta para mabantayan mo?" ani Julian habang kumakain ng pancit.
"Pwede, sana mabait siya," hiling ko naman at humalukipkip si Julian sa harap ko.
"Depende, sana?" kunot noong tanong naman niya.
Pagkatapos naming mag-usap ay binalikan na ni Julian si nanay, umalis naman ako para ayusin ang mga gamit ko para bukas hindi na ako magliligpit.
Habang naglalakad ay natigilan ako ng may tumigil na pamilyar na kotse sa harap ko. Nakita ko na 'to pero nakalimutan ko kung saan at kung kay sinong kotse ito.
"Let's go! Alis tayo!" natigilan ako ng biglang nagbukas ang bintana ng kotse at iniluwal nito ang itsura ni sir Gabriel.
"Saan tayo puponta? Pauwi ako eh."
"Basta at may ibibigay ako," sagot niya at pinapasok niya ako sa kotse niya. "Fasten your seatbelt," aniya pero nahiya ako dahil hindi ko alam kung paano isuot ito.
"Hindi ko alam-"
Nagulat ako ng biglang lumapit siya sa harap ko at naiwas ko pa ang ulo ng malapit ng tumama ang mga labi niya sa labi ko. Akala ko hahalikan niya ako ngunit hindi pala, isinuot niya ang seatbelt. Ramdam na ramdam ko ang mabango at mainit niyang katawan at ang hininga niya dahil ilang milya lang ang layo ng mukha niya sa akin.
Nang matapos siya ay napahinga naman ako, hindi ako huminga kanina at mahirap na baka mabaho ang hininga ko, hindi pa ako nakapafg toothbrush simula kahapon.
"Um-order ka na," utos niya at lumapit naman sa akin ang waiter.
"Ah, same na lang po kami," sagot ko naman at tumango naman ang waiter.
Tumingin ako kay Gabriel at abala siya sa kaniyang cellphone, gusto ko na sana magsalita kaso may tinatype pa siya. At mukhang may kausap din siya.
"May sasabihin ka ba? Ba't mo ako niyaya dito," tanong ko ng matapos na siyang nag-cellphone.
"Ibibigay ko itong phone, i promised diba na bibigyan kita at iying-iyi na ito," sagot niya at hindi ako makapaniwala ng ibinigay niya sa akin ang hawka niya kanina na cellphone.
Sobrang bait niya, akala ko nagbibiro lang siya noong isang araw pero totoo pala.
"Ha? Eh sa'yo 'to eh," sagot ko pa.
"Hindi ko na ginagamit iyan at may bago na akong iphone, sa'yo na 'yan parang mas kailangan mo ng cellphone, andyan na number ko at when you need something just call me," aniya at nagpasalamat naman ako sa kaniya.
Nahihiya ako, hindi ko sana tatanggapin pero mapilit siya at nakakahiya na itanggi pa lalo na't mabait naman siya. Mayaman ito sigurong si sir Gabriel at ang gwapo niya, tsaka wala ba siyang girlfriend? Anong nangyari sa babae noong isang araw na muntikan na akong awayin?
"Maraming salamat sir Gabriel!"