CHAPTER 3.
"Hello, Miss, nawalan ka ng malay kanina kaya nilagay ka muna namin dito," bungad sa akin ng nurse nang magising na ako.
Agad akong tumayo at pinuntahan si Nanay. Mahimbing siyang natutulog kaya nagdesisyon na akong umalis at hanapin ang demonyo kong Tatay. Kailangan kong mabawi ang pera dahil iyon na lang ang natitirang ipon ko.
Umuwi ako sa bahay at walang tao, nakakalat ang mga bote ng alak na walang laman at mukhang uminom nga sila kagabi. Pumonta ako sa labas at hinanap siya sa mga tyangge at doon ko siya natagpuan sa isang puno lasing na lasing at walang malay.
Kinuha ko ang isang matigas na kahoy at lumapit sa kaniya. Hindi ako nagdalawang-isip na pinukpok ang bitbit kong kahoy sa paa niya.
"Magnanakaw ka! Ibalik mo ang pera na naipon ko kung hindi ipapakulong kita!" umiiyak kong sigaw sa kaniya.
Wala talaga siyang puso sariling kapakanan niya lang ang iniisip niya. Ni hindi niya nakuhang tulongan kami ni Nanay.
"Anong pinagsasabi mo, ha!"
"Huwag ka nang magsinungaling binugbog mo ang guwardya sa ospital sasampahan ka ng kaso! Tignan natin kung mabubuhay ka pa sa kulungan hindi ka makakainom doon!"
"Ginagalit mo talaga ako ha!" Tumayoo siya at akmang sasaktan ako.
"Sige, madadagdagan ang kaso mo kapag sinaktan mo ako habang buhay kang maukulong sa presinto!" panakot ko sa kaniya at natigil siya. "Nasan na ang pera!"
"Wala akong pera!"
Bigo akong nabawi ang pera na kinuh niya kaya ang ginawa ko ay sinumbong ko siya sa barangay at tinulongan naman nila ako. Dinala sa istasyon ng pulis si Tatay at ikinulong.
Ngayon nagdadalawang-isip ako na pumunta kay Madam alam ko na makukulong din ako kasi baka hindi sila maniwala na naholdap ako. Natatakot akong lumapit dun na wala akong hawak na pera.
Muli akong bumalik sa ospital dahil tinawag ako ng doktor. Gusto niya raw akong makausap kaya pumunta ako sa opisina niya.
"Sasha, maliit lang ang ospital na ito at alam mong wala kami g equipment dito at kulang pa tayo sa mga kagamitan.
Kailangan mong ilipat sa General hospital ang nanay mo para magamot na ito," paliwanag ni Dok sa akin.
"Magkano naman po ang bayad dun?" nanghihinang tanong ko.
"Syempre hindi biro ang sakit ng Nanay mo may kanser siya aabot sa milyon ang magagastos mo kapag ipinagamot mo talaga siya, dadaan siya sa chemo at hindi pa natin alam kung ilang session iyon," naikagat ko ang labi ko.
Naikagat ko ang ibabang labi ko, isang milyon? Saana ko magnanakaw nun? Saan ko pupulotin ang isang milyon?
Lumabas ako sa opisina ni Dok na nanghihina. Blangko ang isip at wala na akong maisip kung saan ako maghahanap ng pera. Kahit sa trabaho walang tatanggap sa akin.
Niyakap ko nalang si Nanay at doon umiyak sa tabi niya. Mahimbing siyang natutulog.
"Nay lalaban tayo ha? Lumalaban ako at alam kong malalagpasan natin ito," bulong ko sa kaniya at hinalikan ko siya sa noo.
***
"Ito baka makatulong ito," binigyan ako ni Julian ng dyaryo at ipinakita sa akin ang litrato ng isang lakake na mayaman.
"Ano gagawin ko diyan?" kunot noong tanong ko sa kaniya.
"Siya si Leucardo Esteban mayaman ito at balita ko marami siyang tinutulongang mahihirap, pinapatrabaho niya sa loob ng mansyon," paliwanag ni Julian. "May anak din siya na binabalitang milyonaryo dahil sa mga negosyo nila," dagdag pa nito.
Binigyan niya ako ng address kung saan ko mapupontahan itong sinasabi niyang mayaman.
"Salamat ha, hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko." Ngumiti lang siya sa akin.
Mabuti na lang talaga at may natitira pa akong kaibigan. Halos siya ang nagbibigay ng mga ideya kung saan ako makakahanap ng trabaho.
Minsan sinasamahan din niya ako um-apply ng trabaho kung saan-saan.
"Ano ka ba syempre sister tayo kaya kailangan nating magtulongan," sagot niya naman.
"Kung mayaman lang talaga ako tulad nitong mga Esteban siguro naipagamot na natin si Tita," dagdag pa niya.
Matagal na rin kaming magkaibigan ni Julian simula pagkabata ay magkaibigan na kami. Saksi siya kung paano kami naghirap at kung paano ako saktan ng step father ko na ngayon ay nakakulong na.
Si Julian lang talaga ang malalapitan ko at mapagsabihan ko ng mga hinanakit ko, problema at mga sikreto ko. Isa siyang tunay na kaibigan.
Kagaya ng sinabi ni Julian maaga akong nagising at nandito ako ngayon sa isang subdivision kung saan matatagapuan ang bahay ng mga Esteban. Ang sinasabi nilang mansyon. Kinakabahan ako na baka hindi ako matanggap, nab aka puno na sila at hindi na naghahanap pa ng katulong o anuman.
“Huwag naman sana,” bulong ko sa sarili ko.
Nang mahanap ko ang sinasabi nilang mansion ay agad kong pinindot ang doorbell at ilang segundo pa lang ang lumipas ay may sumilip na sa maliit na parte ng gate.
“Ano po ang kailangan nila?” tanong niya sa akin.
“Hello po, nandito po ba si Mr. Esteban? Gusto ko lang po siya makausap,” tugon ko naman sa kaniya.
“Bakit po ano po ang kailangan mo sa kaniya?”
“Pakisabing Sasha Hermosa po at gusto ko sana mag-apply ng trabaho,” mabilis kong saad sa kaniya.
Umalis naman siya at hinintay ko siyang bumalik, kinagat ko ang ibabang labi ko dahil kinakabahan ako at nanginginig ang tuhod ko.
Sana talaga makapasok ako dito kahit anong trabaho hindi ako aayaw basta trabaho. Kahit ano pa iyan, papasukin ko basta may sahod lang maipagamot ko lang si Nanay, okay na sa akin.
Muling nagbukas ang gate at agad dumungaw ang babaeng nakausap ko kanina, ngumiti naman ako ng humarap sa kanya. “Ano po ang sinabi?” bungad ko sa kaniya.
“Pasok daw ho kayo,” wika niya at pinapasok niya agad ako.
Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang napakalaki at magandang bahay, parang isang wooden mansion at entrance pa lang masasabi mo talagang mayaman sila. Malapad at may swimming pool sa gilid. May mga pine trees naman sa harap ng mansion.
Pumasok kami sa loob at agad kong nakita si Mr. Esteban na nakaupo at nagbabasa ng dyaryo. May kape din sa harap niya at sandwich. Umupo ako sa harap niya at ngumit.
“Good morning po, Sir,” pagsalita ko ng tinignan niya ako.
“Pasensya ka na, hija, at wala ka nang mapapasukang trabaho dito, balik ka na lang kapag may bakante na,” wika niya at napabuntonghininga naman ako. “Merryl, kunin mo ang numero niya at para makontak agad siya kapag may bakante na,” utos niya sa katulong na kinausap ko kanina.
“Sir, kahit po taga bantay ng aso o tagalinis na lang ng pool n’yo, Sir. Parang awa n’yo na po,” pagpupumilit ko sa kaniya.
“Hindi ka pwede doon dahil trabaho ng mga lalaki iyon, sige na at tatawagan ka na lang namin ‘pag meron nang bakante,” saad niya.
“Sir, kahit trabaho pa ng lalaki iyan, kakayanin ko. Sir, may sakit ang nanay ko at nasa ospital siya ngayon kailangan ko ng pera.” At doon na ako napaiyak sa harap niya.
Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa, nagmamakawa lang akong nakatingin sa kaniya. Maya-maya pa ay lumagok siya ng kape at inilagay sa lamesa ang hawak-hawak niyang dyaryo.
“Wait…” Nag-isip siya at parang nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.
“Kahit ano po iyan, Sir, tatanggapin ko at aayusin ko ang trabaho ko,” wika ko sa kaniya.
“Okay, marunong ka naman siguro magdisiplina ng tao? Mag-alaga? Magbantay?” sunod-sunod niyang tanong.
“Opo, Sir. Kahit bata man o matanda kaya ko po,” mabilis na sagot ko.
“Okay, ako na ang sasagot sa pagpapagamot sa Nanay mo basta baguhin mo lang ang ugali ng anak ko. Gawin mo siyang mabait, putulin mo ang sungay niya,” Halos mapatalon ako nang malaman kong bibigyan niya ako ng trabaho. “Kailangan sa loob ng limang buwan ay maayos mo na siya, maibalik mo na siya sa dating Luke Esteban na anak ko,” utos nito.
Napangiti naman ako at agad akong lumuhod sa harap niya at nagpasalamat ako sa kaniya, hindi ko inaasahan ang sinabi niya napaiyak ako sa saya. “Maraming salamat, Sir. Gagawin ko ang lahat Sir,” wika ko sa kaniya.
“Suplado si Luke at malayong-malayo na siya kumpara noon, kaya sana ikaw na ang makakapagpabago sa kaniya, pero bawal ang pag-ibig ha, ayaw na ayaw ko iyan,” sambit niya. “At saka may sariling kompanya siyang pinapatakbo kaya busy iyon, bawal din siya magka-girlfriend,” dagdag pa nito.
“Opo, Sir, walang pag-ibig trabaho lang po talaga ang aatupagin ko.”
“Okay, this Sunday punta ka na dito at kausapin mo ang Nanay mo na stay-in ka dito, don’t worry hindi ko kayo pababayaan basta gawin mong maayos ang trabaho mo,” wika niya. “Saka ko na lang sasabihin ang mga gagawin mo ‘pag nakabalik ka na dito,” dagdag pa niya.
Halos abot-tainga akong nakangiti habang naglalakad palabas sa subdivision at masayang-masaya ako dahil may trabaho na ako. Kailangan ayusin ko ito at kailangan hindi na ako aatakehin ng sakit ko. Baka matanggal na naman ako. Siguro, grabe talaga ang ugali ng Luke na iyon dahil pati Daddy niya hindi na kayang disiplinahin siya. Puwes, humanda ka sa akin, Luke Esteban.