CHAPTER 2: KAKAYANIN

1205 Words
CHAPTER 2. Ngayong araw ay hindi ako mahihirapan sa pagtinda dahil bibilhin lahat itong balut na dala-dala ko. Sabi kasi niya dito ko raw siya hihintayin. Umupo ako sa gilid at tinitingnan kong nandyan na ba siya. Nagpapasalamat ako dahil may taong mabuting puso pa na nakakita sa akin at ito 'yong suki ko. Mabait siya, napakabait at sobrang guwapo. Mukha siyang artista. Maya-maya pa ay dumating na rin siya sakay ang maganda niyang sasakyan. Agad akong lumapit sa bintana niya. "Sir ito na po ang balut at may suka na po diyan," bungad ko sa kaniya. Nang bumukas ang kotse niya ay namangha na naman ako sa kagwapuhan niya. Suot ang sunglasses na itim at polo niya na labas dibdib. Madilim na kasi noong unang araw na bumili siya ngayon klarong-klaro gwapo nga ito. "What's your name again?" tanong niya nang humaharap siya sa akin. "Sasha," agad na sagot ko. "Sasha, magandang pangalan," wika niya sabay tango. "I'm Gabriel, call me Gab for short." Binilang niya ang pera niya at ipinasok ang binili niyang balut. Ang tangkad nga pala niya nagmukha akong gasul sa sobrang tangkad niya. "Here, keep the change at may tanong pa ako," nakinig lang ako sa kaniya at hinintay ang susunod na tanong niya. "Ano iyon, Sir?" kunot noong tanong ko. "Malaki ba ang sisiw nito." "Hindi naman masyado, Sir," mabilis kong sagot. "Bakit po gusto mo 'yong maliit lang?" kailangan kong malaman ang gusto niya baka ayaw niya sa malaking sisiw imbis na pera na maging bato pa. "Gusto ko 'yung malaki ang susu-" Tumaas ang kilay ko sa nasabi niya. "Este ang sisiw! Tama." Nagulat siya sa nasabi niya at pati ako ay nagulat din. "Sige, Sir, next na order mo malaking sisiw ibibigay ko," sagot ko naman at hindi ko na pinansin ang nasabi niya. Baka tuloy bigyan niya pa ng malisya iyon, eh, nagkamali lang naman siya. Mga mayayaman kasi magaling sa English kaya minsan nabubulol sila sa Tagalog. Kaya naiintindihan ko siya. "Maraming Salamat, Sir Gab," pagpaalam ko sa kaniya. "Thank you din, Sasha." Ngumiti lang siya at agad na binuhay ang makina ng kaniyang sasakyan. Umuwi naman ako at kailangan ko pang puntahan si Nanay wala siyang bantay at hindi rin ako nakakain baka doon na lang ako kakain sa ospital. Dumaan muna ako sa isang tindahan ng mga ulam at bumili ako do’n, siguro hindi na muna ako didiretso sa bahay. Ilang milya lang ang layo ng ospital dito kaya mas mabuti siguro kung maglalakad na lang ako. Bukas na lang ako pupunta sa pinagkukunan ko ng balut. Habang naglalakad ay may kakaiba akong napansin na nakasunod sa akin. At nang nilingon ko ay wala namang tao. Baka guni-guni ko lamang ito. Nagpatuloy ako sa paglalakad at muli ko namang naramdaman na may nakasunod sa akin at muli akong lumingon at walang tao. Agad kong binilisan ang aking paglalakad dahil kinabahan ako. Baka minumulto ako o ano pero wala namang tao. Madilim na ang paligid at wala na masyadong tao dahil gabi na. Nang makarating ako sa madilim na parte na dinaanan ko ay doon na ako napahinto sa paglalakad nang may sumalubong sa akin at agad akong iginapos ng kaniyang mga kamay. "Miss holdap 'to ibigay mo ang pera mo kung ayaw mong mamatay dito," natakot ako nang tinutokan niya ako ng kutsilyo sa tagiliran ko. "Tul-" akmang sisigaw na ako ng takpan niya ang bibig ko. "Sige sumigaw ka tignan natin kung maabutan ka pa nilang buhay dito." Tumayo ang balahibo ko ng ilagay niya sa leeg ko ang kutsilyo. Dahil sa kaba at takot ay nanginig na ang tuhod ko at napaluha na ako. Hindi pwedeng makuha niya ang pera na hawak ko mapapagalitan ako ng Madam ko at baka ipakulong niya ako. "Ano!" napapikit na lang ako sa takot na naramdaman ko. "Ayaw mo talaga ha!" "Ito na! Ito na!" Umiiyak na kinuha ko ang pera sa bulsa at ibinigay sa kaniya. "Nagmamatigas pa! Akin na ito gutom ako!" kinuha niya ang binili kong ulam at kanin at wala nang may natira pa sa akin. Nang iwanan niya ako ay napaluhod ako at napaiyak sa takot sakit at pangamba. Ano ang sasabihin ko kay Madam? Magagalit iyon at baka ipakulong ako. "Bakit ngayon pa? Bakit mo ba kami pinapahirapan?" reklamo ko habang nakatingin sa kalangitan. Naglakad ako papuntang ospital hindi naman pwede na puntahan ko si Julian. Gabing-gabi na at hindi na siya papayagan na lumabas. Muli na naman akong kinabahan ng may nakasunod na sasakyan sa likod ko at binilisan ko ang paglalakad ko. Pero kahit anong bilus ay sinusundan niya talaga ako. Napahinto ako sa paglalakad ng tumigil sa harap ko ang sasakyan at napapikit ako at napaiyak na naman. "Kung hoholdapin mo ako wala akong pera!" sigaw ko sa harap ng sasakyan niya habang nakapikit. "Sasha?" Natigilan ako at naidilat ko ang mga mata ko ng tinawag niya ang pangalan ko. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o mahihiya ng makita ko na si Sir Gabriel pala ang laman ng sasakyan. Tinalikuran ko siya at agad akong tumakbo. Nakakahiya at mas lalong nakakahiya kapag nalaman niya na na-holdap ako. "Hey wait," sinundan niya ako at sa kasamaang palad ay naabotan niya ako. "Sorry akala ko kasi-" "No, it's okay, may nangyari ba? Is there something happened?" nag-aalalang tanong niya. "Wala okay lang ako," pagsisinungaling ko. "No, you're not," mabilis niyang tugon. "Samahan mo ako." Hinila niya ako papasok sa kotse niya at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. "Saan mo ako dadalhin?" "I'm hungry, kakain tayo." Saktong-sakto kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Gutom na talaga ako. Napakakomportable ng kotse niya. Malamig at mabango katulad niya. Malinis din at nakadungaw lang ako sa bintana. Hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang perang kinuha ng magnanakaw na iyon. Mabuti na lang hindi niya kinuha itong cellphone ko. Kahit na keypad 'to pero maraming contact dito na makakatulong sa amin. Nang makarating kami ay agad na pumasok sa loob at nag-order siya ng pagkain. Kinapalan ko na ang mukha ko dahil gutom na gutom na ako. "Bakit nga pala hindi ka pa umuuwi?" "Pupuntahan ko pa si Nanay," sagot ko. Habang kumakain ay agad na nag-vibrate ang cellphone ko at agad ko namang tinignan ang text. "May cellphone ako sa bahay hindi ko na ginagamit baka gusto mo?" Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil abala ako sa text ng nurse sa akin. "Miss, pumunta dito ang tatay mo at nanggugulo." Napatayo ako sa nabasa ko at dali-daling lumabas ng restaurant. "Sasha." Ano na naman ang ginawa ni Tatay. Kinakabahan ako baka kung sinaktan niya si Nanay. Ipapakulong ko talaga siya kapag may nangyari kay Nanay na hindi maganda. Tumakbo ako papuntang ospital at parang agad na natunaw ang lahat kong kinain sa sobrang bilis ng takbo ko. Pagdating ko sa loob ay umiiyak si Nanay at may mga nurse na nakabantay. "Anong nangyari?" hinihingal na tanong ko sa kanila. "Kinuha niya ang pera na iniwan mo dito, hindi namin siya mapigilan at nakaalis na siya binugbog din niya ang guwardya sa labas." Tiningnan ko ang drawer at wala na ang perang inipon ko. At napaluha na lang ako at napaupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD