THIRD PERSON POV Pagkatapos ng mainit at nakakahiyang sandali na pareho nilang piniling tapusin nang maayos nagbihis na silang dalawa. Walang nagsalita agad. Hindi dahil may awkwardness, kundi dahil pareho silang nakangiti, parang may lihim na sabay nilang tinatago. Si Sev ang unang tumikhim. “Okay,” sabi niya, sabay tawa. “Food muna bago tayo magdrama.” Tumango si Mutya habang inaayos ang buhok. “Yes, please. Baka mahimatay ako pag hindi ako kumain.” “Excuse me?” kunwaring seryoso si Sev. “Hindi kita pinagod.” “Sure ka?” sagot ni Mutya, sabay taas ng kilay. Natawa si Sev. “Grabe ka. I mean sa buong araw mo. Work. Dance. Life.” “Save mo na lang ‘yan,” natatawang sabi ni Mutya. “Kain na tayo.” Lumipat sila sa dining area. Simple lang ang setup wooden table, soft warm light, at ang a

