bc

DIWATANG WALANG DANGAL (SSPG)

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
one-night stand
HE
opposites attract
second chance
arrogant
heir/heiress
drama
tragedy
bxg
campus
city
small town
cruel
seductive
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang dangal na buong buhay mong iningatan… ay siya ring bagay na sinira nila at ngayon, babawiin mo pabalik, kasama ang dugo, hiya, at pangalan nila?Si Mutya, ang dating dalagang kay-linis, ngayo’y babaeng natutong sumayaw sa dilim. Ang katawan niyang minsang ninakawan ng dangal ay naging sandata pang-akit, pangbitag, pangganti. Sa entabladong maliwanag pero kaluluwang madilim, itinuring niya ang sarili bilang lason na nakabalot sa lambing. Ang bawat haplos niya ay plano ang bawat ngiti niya ay patib0ng. At hindi nila alam, ang babaeng inaangkin nilang laruan ay ang multong babawi sa lahat.Si Sev, ang lalaking minsang nagkamaling hawakan ang isang bagay na hindi sa kanya ang dangal ni Mutya ay nahulog sa apoy na hindi niya naintindihan. Nabighani siya kay Mutya, hindi alam na siya ang apoy… at siya rin ang unang sinunog nito.Pero paano kung sa pagganti ni Mutya, may isa pang bagay ang nawala? Hindi lang dangal kundi puso. At paano kung ang lalaking dapat niyang patayin… ay siya ring tanging nakakapagpabuhay muli sa kanya?Sa mundong ang dangal ay inaagaw, nilalapastangan, at minsan… binabalikan nang may halong halay at paghihiganti sino ang unang bibigay?Ang biktima?O ang demonyong minahal niya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
LUNINGNING POV “Ate Luningning! Ate! Gumising ka na daliiii!” Sigaw iyon ni Letlet, ang 12-year-old kong kapatid na parang kulog kung magsalita. Ramdam ko pa ang bigat ng talukap ko, pero ramdam ko rin ang pag-uga ng banig dahil sa pagtalon niya. “Ateeee! Gumising ka! May problema tayo! Yung manok ni Tatay!” Napadilat ako bigla. “Ha? Anong nangyari sa manok ni Tatay?” Huminga nang malalim si Letlet, hawak ang tiyan niya na parang nanginginig sa kaba at kasalanan. “Ate… sabi kasi ni Tatay… hulihin ko daw yung manok niya… kasi… ano raw… pang-braiding? O panabong? Ewan ko! Basta hinuli ko.” “Okay… tapos?” dahan-dahan kong tanong habang bumabangon ako. “Tapos nilagay ko sa kawali.” Nalaglag ang panga ko. “Ano?!” “T-tapos t-tinakpan ko,” mahina niyang dagdag, halos pabulong. “HINDI KA NAGPRITO NG MANOK NI TATAY?!” “Hindi naman, Ate! Hindi naman! Nilagay ko lang sa kawali! Tsaka tinakpan ko. Hindi ko naman binuksan yung apoy!” mabilis niyang depensa, pero halatang-halata ang takot niya. “LETLEEEEET!” Sa puntong iyon, tumakbo ako palabas ng kwarto habang nakahabol si Letlet, nanginginig, pero hindi tiyak kung sa lamig o sa nerbiyos. Sa aming maliit na kusina, doon ko nakita ang kawali sa ibabaw ng kalan… na gumagalaw. Literal na gumagalaw. “Ay, Diyos ko po…” bulong ko. “Sorry na po Ate…” Dahan-dahan ko tinanggal ang takip. “Aaaaaaaaahhh!” sabay naming sigaw ni Letlet. Nandoon ang manok. Buhay. Pero gusot ang mga balahibo, parang galing sa rollercoaster. Nakatingin sa amin na parang galit at nalugmok sa lahat ng desisyon nito sa buhay. “Ate… mukha siyang galit,” bulong ni Letlet. “Hindi lang galit, Letlet. Mukha siyang naghihiganti.” “Ate… pagtatanggol mo ako, ‘di ba?” “Sa pagkakataong ito? Hindi ako sigurado.” Tamâ talaga. Kasi sakto, dumating si Tatay. “Ano ‘tong narinig ko ha? LETICIA DALISAY!” Pumutok ang boses ni Tatay na parang paputok ng fiesta. Hawak niya pa ang lubid na gamit pangtali sa panabong niya. Si Letlet? Nagtago sa likod ko. “Ateeee help…” “Tay…” sabi ko, pero hindi ko alam paano ipagtatanggol ang isang batang literal na nagluto-ng-hindi-nagluto ng manok. “Ano bang ginawa mo sa manok ko?!” sigaw ni Tatay habang lumapit sa kawali. “Tay… hindi ko naman po tinotoo! Sabi niyo hulihin ko… eh hinuli ko po…” paliwanag ni Letlet, nanginginig. “BAKIT NILAGAY MO SA KAWALI?!” “Tay… kasi sabi ni Nanay kahapon, yung mga pasaway daw… nilalagay sa kawali” “LETLET!” sigaw ko. “Ano ba, Luningning! Bakit hinayaan mo kapatid mo?” bulalas ni Tatay. “Tay, kakagising ko lang!” “Pero dapat pinapantayan mo!” “Tay naman” At doon na. Hinawakan ni Tatay ang tenga ni Letlet at pinandâ. “Araaay Tay! Aray ko po! Ate, tulooong! Ate, sabihan mo si Tatay!” “Letlet. Deserve mo yan,” sabi ko sabay iwas tingin, kahit medyo kumirot sa dibdib ko na makita siyang umiiyak. “Hindi ko naman sinindihan yung kalan e!” sigaw ni Letlet habang pinapalo ni Tatay ng palad sa pwet. “E kung nilagyan mo ng mantika?!” bulyaw ni Tatay. “Hindi ko naman alam gagawin ko pagkatapos hulihin!” sigaw niya habang umiiyak. “HMP!” si Tatay, hindi malaman kung iiyak o kakastigo pa. “Hoy, kayong dalawa,” sabi ni Nanay mula sa pintuan, naka-apron at may hawak na sandok. “Ano na naman ‘tong kaguluhan dito ng alas-sais ng umaga?” “Ate…” singhot ni Letlet. “Nakulong ko yung manok sa kawali.” Napahawak si Nanay sa sintido. “Leticiaaa… Leticiaaaa… Diyos ko.” “Tingnan mo, ‘Nay!” sabi ni Tatay, inaabot ang kawali. “Ginawang sauna ang manok!” Kinuha ni Nanay ang kawali, tiningnan ang manok… at tumawa. As in tumawa. “Naku, Narding… buhay pa naman o! Ang galing nga ng anak mo, oh. Hindi niya napatay.” “Hindi yun ang point!” sagot ni Tatay. “Tay… hindi po ba pwede… warning lang?” bulong ko, nakayakap kay Letlet na parang basang sisiw. Pero sumagot si Tatay ng malalim na buntong-hininga. “Luningning… ilang beses ko nang pinaalalahanan ‘yang kapatid mo. Lagi akong pinapahamak!” “Tay… sorry na po…” ungol ni Letlet. “Manok na nga lang natin… mahal pa.” Bigla lumungkot mukha ni Tatay, kitang-kita ang pagod. Parang tinamaan ang puso ko. Sa baryo namin, simple ang buhay. Hindi kami mayaman. Masipag si Tatay sa bukid. Si Nanay sa bahay. Ako, sa pag-aalaga sa mga kapatid. At si Letlet… makulit, pero mabait. Minsan sobrang likot, pero hindi masama ang puso. At ngayong nakikita kong nangyayari ‘to… naiiyak ako. Hindi dahil sa manok. Kundi dahil alam kong mahirap ang buhay and maliit na pagkakamali, pwedeng magbigay ng bigat. Huminga ako nang malalim. “Tay… tutulungan ko po kayong alagaan yung mga manok. Iinom po ako ng gata araw-araw para lumakas katawan ko” “Ningning.” Tinapik ako ni Tatay. “Hindi mo kasalanan.” Pero ramdam ko. Ramdam ko kasi ako ang panganay. Ako ang dapat nag-aalalay. Niyakap ko si Letlet nang mahigpit. Umiiyak na siya, hindi sa palo, kundi sa guilt. “Ningning…” bulong niya. “Sorry talaga. Ayoko naman po masira araw ni Tatay.” “Hmp,” si Tatay. “Bukas, maglilinis ka ng kulungan ng manok.” “Ha?!” gulat niya. “Tay naman! Ang baho dun!” “Tama lang,” sagot ni Nanay. “Para maalala mo.” “Ateeee…” lumingon siya sa akin. “Tulungan mo ako.” “Nope,” sabi ko, pilit na hindi tumatawa. “Ate naman! Ate!!!” Makalipas ang ilang minuto, nakaupo kami sa harap ng bahay. Tahimik. Tanging ingay ng kuliglig at tilaok ng… well… traumatized na manok ni Tatay. Si Tatay? Nakaupo rin sa bangko. Si Nanay naglalagay ng yelo sa likod ni Letlet. “Ate…” sabi ni Letlet, humihikbi pa rin. “Bakit ba ang hirap maging mabait?” Hindi ko napigilang matawa ng mahina. “Kasi hindi mo sinusundan utak mo bago kamay mo. Gusto mo lahat ginagawa agad.” “Pero ate…” pumikit siya ng mariin. “Promise. Next time. Pag sinabi ni Tatay hulihin ko… hindi ko na ilalagay sa kawali.” “Very good,” sagot ko. “Saan mo ilalagay?” “Sa palanggana.” Napasinghap ako. “LETLET!” “Ano ba! Safe yun! Mabango yun! Mas ok kaysa sa kawali!” “Susmaryosep…” sabi ni Nanay sa likod. Kahit na may gulo, may palo, may iyak… ramdam ko pa rin ang init ng pamilya. Ramdam ko ang pagmamahal. Ramdam ko ang simpleng buhay na hinubog ako. Pero sa puso ko… may kakaibang kaba. Hindi dahil sa manok. Kundi dahil ramdam kong may paparating na pagbabago. Hindi ko alam kung ano. Hindi ko alam kung kailan. Pero alam kong may darating na bagyo sa tahimik kong mundo. At doon magsisimula ang kwento ko. Ako si Luningning Dalisay. Panganay. Tahimik. Mapagmahal. At ito ang unang araw na mararamdaman kong… hindi na magiging kasing-payapa ang buhay ko. Pero ngayon? “Ate…” bulong ni Letlet. “Pwede bang yakap muna?” Ngumiti ako. “Halika dito, Letlet.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
307.5K
bc

Too Late for Regret

read
271.6K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.6M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
135.8K
bc

The Lost Pack

read
374.6K
bc

Revenge, served in a black dress

read
144.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook