CHAPTER 2

1331 Words
THIRD PERSON POV Sa yakap na iyon ni Luningning kay Letlet, parang natunaw ang lahat ng tensyon sa loob ng maliit nilang tahanan. Kumapit si Letlet sa kanya na para bang stuffed toy na nadaganan, habol-habol pa ang hininga sa kakaiyak. Pero hindi pa man tuluyang tumitigil ang drama, biglang… “Tok! Tok! TOKTOKTOKTOK!” Malakas na katok, parang kawayang tambol sa pista. Nagkatinginan sila. “Ay,” sabi ni Nanay, napakurap. “Sino na naman yan nang maaga?” “Baka yung kapitbahay, Nay,” sagot ni Luningning, habang si Letlet ay nakadikit pa rin sa baywang niya na parang ididikit ang sarili para safe. Pero bago pa sila makagalaw, sumingit ang boses mula sa labas. “Nay Mely! Nay Mely! Naaaaaay!” Si Aling Bebe. Ang kapitbahay nilang chismosa pero lovable… depende sa araw. Naglakad si Nanay papunta sa pinto habang ang tatlo sa loob si Luningning, Letlet, at Tatay Narding ay napako, parang naghihintay ng announcement ng bagyo. Pagbukas ng pinto “Ay Naaay! Naaay Mely! Diyos ko, may balita ako! May nangyari!” sigaw ni Aling Bebe, halos lumobo ang mata. “Bakit Bebe? May sunog?” tanong ni Nanay, nakakunot ang noo. “Mas grabe pa! MAS MASAHOL!” sagot ni Aling Bebe sabay hawak sa dibdib… at huminga ng malalim. “Nanakaw yung brip ni Mang Kaloy!” “Ha?!” sabay-sabay na sagot ng tatlo sa loob. “Eh ano naman pakialam namin?!” si Tatay. “Tay,” bulong ni Letlet, “baka si Ate ang suspect.” “Ako?!” gulat na sagot ni Luningning. “Ano gagawin ko sa brip ni Mang Kaloy?!” “Ate, wala lang, na-imagine ko lang” “LETLET!” Pero hindi pa tapos si Aling Bebe. “Hindi lang yun! Alam niyo bang sabi ni Mang Kaloy… kinain daw ng halimaw yung manok niya kagabi!” Napalingon si Tatay. At doon, huminga ng malalim si Luningning. Naku po. Heto na ang chismis earthquake. “Anong halimaw?!” tanong ni Nanay. “Ewan ko! Basta sabi niya, narinig daw niya yung manok na parang binagyo. Tapos pag check niya… ayun! Kulot-kulot ang balahibo! Para daw napaso!” Dahan-dahang bumaling si Tatay kay Letlet. Parang slow motion. Si Letlet? Dahan-dahang humilig sa gilid ni Luningning. “Ate…” “Hmm?” “Hindi ko po yun ginawa. Hindi ko po nilagay sa kawali yung manok ni Mang Kaloy. Isa lang po ang nagawa kong mali today.” “LETLET!” Pero bago pa man masabi pa ni Tatay ang sermon #82, sumingit uli si Aling Bebe. “Ay pero Nay, nandito pala ako para sabihin na mamaya daw bibisita dito ang Kapitan!” “Ha? Bakit?” tanong ni Nanay. “Kasi may meeting daw. Baryo-wide meeting. May bagong ibabalita tungkol sa” Bumuga siya ng hangin dramatically. “PAGBABAGO SA BUONG BARYO!” Tumunog pa ang thunder sound effect… sa isip ni Letlet. “Ate… baka mawala internet natin.” “Wala nga tayong internet,” sagot ni Ningning. “Exactly,” sagot ni Letlet. “Kaya nakakatakot.” Matapos ang chismis ni Aling Bebe na nagtagal pa ng sampung minuto kasi dinugtungan niya ng siyam na kwento na walang kinalaman sa orihinal na issue, umalis din siya. Si Tatay? Napaupo, hawak ang noo. Si Nanay? Bumuntong-hininga habang naghuhugas ng sandok. At si Luningning? Umupo sa tabi ni Letlet, na mukhang fresh-out-of-jail ang vibes. “Ate…” bulong ni Letlet habang sinusubukang magpahid ng luha. “Pwede ba ako humingi ng chocolate?” “Wala tayong chocolate.” “Pwede ba akong humingi ng yakap?” “Pwede.” Nagyakapan sila ulit. Pero hindi pa tapos ang comedy ng umagang iyon. Biglang “TOK!!” Isang kuliglig ang tumalon mula sa kisame papunta sa buhok ni Letlet. “ATEEEE!!! MAY HALIMAW!!!” sigaw ni Letlet habang tumatakbo paikot ng bahay. “Huy! KULIGLIG LANG YAN!” sigaw ni Nanay. “Ate! Aaaahhh! Kumakapit sa buhok ko! Parang ex na ayaw bumitaw!!!” “Teka! Teka! Halika dito!” sabi ni Luningning habang hinahabol siya. Pero si Letlet, imbes na huminto, pumasok sa kwarto… at nagtakip ng kulambo sa mukha niya. “Tapos! Safe na ako!” sigaw niya. “LETLET, para kang multo!” “Hindi! PARA AKONG NINJA!” “Hindi!” singit ni Tatay. “Para kang buko salad na may kulambong pandagdag!” Sa wakas, nahuli rin ni Nanay ang kuliglig gamit ang tabo, at nailabas ito. Si Letlet? Pumayag lang lumabas ng kulambo matapos pangakuan ni Nanay ng pritong turon mamaya. Habang tahimik na silang naupo, napansin ni Tatay ang tahimik na si Luningning. “Ning… okay ka lang?” Ngumiti si Ningning. “Okay lang po, Tay.” Pero ang totoo… hindi. May mabigat sa dibdib niya. May kakaibang kaba na parang… hindi man siya ang sinermunan, pero siya ang pinakanahihirapan. Ramdam ni Tatay iyon. “Kasi anak… hindi mo responsibilidad lahat, ah.” “Tay…” bumuntong-hininga si Ningning. “Alam ko po. Pero… ako po yung panganay. Kailangan ko pong bantayan sila… lalo si Letlet.” Si Letlet, na nakaupo sa gilid, biglang nagtaas ng kamay. “Ate, promise, pag nagkapamilya ako… babantayan din kita.” Hindi nakapigilang tumawa si Luningning. “Hindi ganoon, Letlet.” “Ganoon yun sa panaginip ko kagabi! Sabi ng diwata, ako daw protector mo!” “Diwata?!” tanong ni Nanay. “Panaginip lang yun, beh.” “Totoo po yun Nay! Sabi niya ‘Leticia! Ikaw ang magiging tagapagtanggol ng ate mo!’ Tapos may sparkles pa sa paligid!” “Alika dito,” sabi ni Tatay. “Baka sapak ang tagapagtanggol mo diyan.” “AY TAY! HUWAG NA PO! WALA NA PO AKONG VISIONS!” Pagtapos ng kaguluhan, naglakad si Ningning papunta sa maliit na likod-bahay nila. Tahimik doon. May mga puno ng saging, konting gulay, at maliliit na ilaw na ginawa ni Tatay para hindi dumilim masyado kahit dapit-hapon pa lang. Huminga siya nang malalim. Hinaplos ang sanga ng puno. At unti-unting pumatak ang luha niya. Hindi dahil sa manok. Hindi dahil sa kapatid. Kundi dahil nararamdaman niyang may darating na malaking pagbabago. At natatakot siya. Pero bago pa man siya tuluyang maging emosyonal “Ateeeee!” Napalingon siya. Si Letlet. May hawak na kampay ng saging. Suot ang lumang sombrero ni Tatay. At may maliliit na dahon sa mukha na hindi niya namalayang dumidikit. “Ate! Tingnan mo!” “Ano na naman yan?” “Costume ko!” “Anong costume?” “HARDINERA SUPERHERO!” Tumingin si Ningning kay Nanay. Si Nanay? Umiling habang pinipigilan tumawa. “Letlet,” sabi ni Ningning habang papalapit. “Bakit may saging ka?” “Kasi ito ang POWER KO!” taas-kamay pa siya. “At bakit may dahon sa mukha mo?” “Camouflage Ate,” bulong pa niya. “Para hindi ako makita ng mga kaaway.” “Ano namang kaaway ang iniisip mo?” “Yung mga halimaw na nangunguha ng manok!” Hindi napigilang tumawa ni Ningning. “Hindi yun halimaw, Letlet.” “Ate…” huminga siya nang malalim. “Hindi man halimaw… pero suspicious.” “Sino?” Si Letlet, dahan-dahang lumapit, pabulong, seryosong-seryoso. “Yung manok ni Tatay.” “LETLET!” “Promise Ate… may nakita akong spark sa mata niya. Alam niya ginawa ko.” “Hay nakooo…” sagot ni Nanay. “Magsimula ka nang maghilamos at ayusin mo mukha mo.” “Ay oo nga Nay. Kasi baka ma-in love sa’kin yung kuliglig ha.” “LETLET!” Habang natatawa si Ningning, kinausap ulit siya ni Tatay. “Ning… mamaya kasama ka sa meeting ha? Mahalagang anunsyo daw.” “Ano po yun?” “Ewan ko… pero sabi ni Kapitan, tungkol daw sa ‘pagbabago ng baryo.’” “Baka dagdag bayad sa kuryente?” tanong ni Nanay. “Baka bagong batas?” tanong ni Tatay. “Ate…” sabi ni Letlet. “Baka… alien?” “Tigil.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD