SEV POV
“Bro… brooo… one more shot!”
Yun ang bungad ni Cassimir “Cass” Delmonte habang nakasabit sa maliit na bar counter ng tree house namin. As in literally tree house pero hindi yung pambata. Yung tipong pang-mayaman, pang “ayoko sa mansion ko ngayon kaya sa puno naman ako titira.”
Ako si Severin “Sev” Malvar, 25, At ngayong gabi?
Wala akong pakialam sa kahit anong problema. Gabi ng kabataan. Gabi ng kalokohan. Gabi ng limang mayayamang lalaki na walang ibang alam gawin kundi gumawa ng mga desisyong pagsisisihan nila kinabukasan.
“PUTA, SEV! Tanginaaaa, ang lamig!” sabi ni Kierdan “Kier” Soliverez habang naka-higa sa sahig, umiikot ang baso sa daliri niya na parang spinner.
“Bro, hindi lamig yan,” sagot ko, sabay tungga sa alak. “Aircon yan. Nagbabayad tayo ng kuryente para d’yan.”
Tumawa silang lahat.
Yung tawang walang tunog mamaya, tapos biglang sasabog. Yung tipong lasing ka pa lang, pero nagkukunwari kang hindi.
Si Ronanveer “Ronan” Calderon ay nakaupo sa sofa, nakatingala sa kisame na parang may stars kahit wala namang stars sa loob ng tree house. Lasing na. High pa. Pero hindi ko na kailangan makita ang ginagawa nila, rinig ko na ang yabang nila.
“Seeev…” boses ni Jarellius “Jarel” Montanez, paputol-putol, parang lumulutang. “Bro… I swear… we need a break. Like like seriously. We need vacation. We deserve a… ano yan… break?”
“Vacation,” sagot ko.
“Oo yun!” sagot niya. “Vacation! Yung malayo. Yung wala tayo dito. Yung hindi tayo malilibing sa schedule natin.”
“Dude, hindi ka naman nagtatrabaho,” sabi ni Cass, sabay bagsak ng ulo niya sa mesa. “Anong schedule?”
“Wala, pero nakakapagod maging ako!” sagot ni Jarel.
Nagtawanan silang lahat.
Ako? Napabuntong-hininga lang.
Kasi sa gitna ng tawanan namin, ramdam ko.
Pagod din ako. Hindi lang sa katawan.
Sa buhay.
Hindi ko lang sinasabi.
“Bro, look!” sabi ni Kier habang naglalakad paikot-ikot. “Ano tawag dito? Gusto ko pumunta sa ano ba yung sinabi ng pinsan ko na… Mind-Mind… Mindsomething?”
“Mindanao?” sagot ko.
“YES!” biglang sigaw niya. “YUUUUN! There! Mindanao! Pwede tayo dun, bro!”
Biglang nag-ingay ang apat.
“OH MY GOD!” sigaw ni Ronan, tumatayo pero nadulas sa carpet. “Mindanao! Nature, beaches, hindi tayo makikilala, walang problema, walang media… Wala ding ex ko!”
“Bro, yung ex mo hindi naman umaabot ng Laguna,” sabi ni Cass. “Paano aabot sa Mindanao?”
“Tanga ka, Cass! Emotional siya, hindi practical!”
Napahagalpak kami ng tawa.
Humihigop pa ako ng alak nang lumapit si Jarel, inaakbayan ako kahit amoy alak at mahal na pabango.
“Sev…” bulong niya.
“Ano?” sagot ko.
“Let’s go. Like, let’s freaking go. Matagal na tayong walang freedom trip. Last time was, like… college pa.”
“Bored ka lang,” sagot ko.
“NO!” sabay turo niya sa mukha ko. “Well… yes… pero hindi yun point.”
Huminga siya nang malalim, parang may revelation.
“Bro… I had a dream.”
Ako? Natawa agad.
“Hoy Jarel, kapag sinabi mong may diwata na naman”
“HINDI!” sigaw niya. “Bro, this time, totoo! Parang voice lang from above na nagsabi ‘Go south, young man.’”
“Nagsabi yan sa’yo?”
“Hindi ko sure kung boses yun o hangover ko. Pero naramdaman ko, bro. Gusto kong pumunta sa dulo ng Pilipinas!”
“Bro, Mindanao hindi yun dulo.”
“Emotionally, Sev! EMOTIONALLY!”
Napahawak ako sa noo ko. Isa itong gabi ng walang katuturang logic.
Si Ronan naman ay pumunta sa balcony, habang umiikot ang mundo niya.
“GUYS!” sigaw niya. “I swear… Mindanao… is calling me!”
“Ano ka, sirena?” sagot ko.
“Hindi! Hindi sirena! I'm ano yun chosen one!”
“Boy, yung chosen one, hindi lasing.”
“Hindi rin umiiyak,” dagdag ni Cass habang nagtatawanan kami.
Kasi umiiyak nga si Ronan.
“Bro, bakit ka umiiyak?” tanong ni Kier.
“Ang ganda kasi ng idea! Vacation, men! Chaotic pero peaceful. Ano daw? Parang parang maraming trees! And magsusunog tayo ng marshmallows!”
“Sa Mindanao?” tanong ko.
“Oo bro. Kahit mainit! Gagawin ko!”
Ako? Tahimik.
Pero habang tinitingnan ko ang apat kong kaibigan na lasing, lutang, at walang direksyon…
Napaisip ako.
Oo nga.
Tama sila.
Kailangan ko rin ng break.
Hindi lang sila.
Ako.
Ako mismong punong puno ng pressure sa pamilya. Ako mismong paulit-ulit na sinusunod ang gustong daan para sa akin. Ako mismong nalulunod sa expectations. Ako mismong araw-araw may naka-assign. May kailangan patunayan. May kailangan ipakita.
Sa isang sandal na lasing ang lahat… ako lang yung nagising.
“Mindanao…” bulong ko. “Why not?”
“SEEEEEV!” sabay sigaw nila na parang nasa concert.
“WHAT!” sagot ko.
“MINDANAO!” sabay nila.
Napailing ako. “Kailan?”
“THIS weekend!!!” sabi ni Cass habang kumikindat.
“Bro, kalma,” sagot ko. “Weekend? Ang bilis nun.”
“Broooo,” sabi ni Jarel. “If we don’t do it now… we will never do it. And you know that.”
Tama siya.
“Guys…” sabi ko, habang nakatingin sa kanila isa-isa. “Bukas pagising natin… sure tayo?”
“SURE!” sabay sagot nila, sabay taas ng baso, sabay laglag din ng baso.
Biglang may tumunog na cellphone ni Ronan.
“Huy… may tumatawag,” sabi ni Cass.
“Huwag niyo sagutin!” sabi ni Ronan. “Pag pamilya ko yan, sasabihan lang nila akong umuwi.”
“Eh ano naman gagawin mo ngayon?” tanong ko.
“Tulog,” sagot niya.
“Tulog saan?”
“Dito.”
“At bakit nakahiga ka sa sahig?”
“Hindi ko alam pero masaya siya.”
Nagspin ako sa upuan ko. Hindi literal, pero ramdam ko yung swirl ng alak sa katawan ko. Tinitigan ko silang apat habang nagsisigawan pa rin tungkol sa kung ano ang dadalhin jet ski, inflatable unicorn, portable speaker, marshmallows, drone, at kung ano-anong mayaman things na walang silbi sa bundok.
Pero sa likod ng tawanan… may something.
Isang malamig na sensasyon sa batok ko.
Yung tipong… may paparating.
Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko alam kung saan galing.
Pero ramdam ko ang kutob.
Yung feeling na pag nagpunta kami ng Mindanao…
May mababago.
May mangyayari.
At hindi yun simpleng bakasyon lang.
“SEV!” sigaw ni Kier, sabay abot sa akin ng bote. “Last shot bago tayo maging responsible adults!”
Natawa ako.
Kasi alam ko wala ni isa sa amin ang responsible adult.
Pero okay lang.
Tinanggap ko ang bote.
Tumayo ako.
At nagsalita sa kanila na parang speech sa kasal.
“To Mindanao,” sabi ko.
“To chaos!” sabi ni Ronan.
“To adventure!” sabi ni Cass.
“To freedom!” sabi ni Jarel.
“To… the unknown!” dagdag ni Kier.
Ngumiti ako.
“To the trip… that might change everything.”
Sabay-sabay namin tinaas ang bote.
Sabay tungga.
Sabay bagsak sa sofa, sahig, mesa kahit saan makarating.
At bago tuluyang pumikit ang mata ko…
Isang thought ang sumulpot sa utak ko.
May rason kung bakit Mindanao.
Hindi ko pa alam ang sagot.