CHAPTER 4

1180 Words
THIRD PERSON POV “Bro… one week later na pero parang hangover ko kagabi lang,” reklamo ni Jarel habang naglalakad palabas ng private airport sa Mindanao. “Same, dude,” sagot ni Cass habang naka-shades na mas mahal pa sa motor. “Feeling ko hindi talaga tinatalaban ang katawan ko pero utak ko parang may nagtatambol pa rin.” “Hoy, manahimik kayo,” sabi ni Sev habang tinatanggal ang jacket niya. “Nandito na tayo sa Mindanao. New environment, new air, new… sanity.” “Sanity? After nung ginawa natin sa tree house? Bro, you’re funny,” tumawa si Ronan, yakap pa rin ang malaking teddy bear na hindi niya matandaan kung paano niya nakuha. Si Kier naman ay naglalakad na parang zombie. “Guys… dalawang oras na akong gutom. Hindi ako papakain ng konsensya niyo. I need food. Real food. Hindi feelings.” “Wow, may feelings ka pala,” biro ni Cass. “Hoy!” singhal ni Kier. Sila ang lima malalakas ang tama, mayayabang pero lovable, hingal pero excited. Pagmula pa lang sa airport ay halata nang spoiled-rich-vacation-mode silang lahat. Paglapit nila sa may nakaparadang black SUV, napabuntong-hininga si Sev. “Welcome to Mindanao trip natin, boys.” Sa Mansion ni Sev Pagdating nila sa gate, halos malaglag ang panga ni Cass. “Bro… this isn’t a mansion. This is a… government building!” “Huy,” sabi ni Sev, “not government, private. Tatay ko nagpagawa niyan noon. Sabi niya simple lang.” “Simple?!” sabay-sabay na reaction ng apat. “Bro, may fountain na umiikot ang tubig!” “Bro, may tatlong gate!” “Bro, parang may sariling zipline diyan sa likod!” “T*** ina, bro, may helipad?!” Tumawa lang si Sev. “Let’s go inside. House tour later. Bags muna.” Pumasok sila at halos mapaupo sa laki ng sala. Marble floors. Chandeliers. Isang malaking portrait ni Sev noong bata pa nakasakay sa kabayo habang naka-formal suit. “HAHAHAHA!” tili ni Jarel. “BAKIT KA NAKA-AMERICAN SUIT HABANG NAKASAKAY SA KABAYO?!” “School project!” depensa ni Sev. “School?! Bro, pang-art exhibit na ‘yun!” “Pwede ba, shut up,” sabi ni Sev pero nakangiti. “Unang araw pa lang natin, wag niyo ako ibuko.” Nagkalat ang apat, kanya-kanyang bags, kanya-kanyang arte. Ronan: “Dibs ako sa kwarto na may malaking mirror.” Cass: “I need the room with best lighting, please. Hindi ako nagbakasyon para magmukhang emotionless zombie sa pictures.” Kier: “Basta may kama, okay na ako.” Jarel: “Same… pero kung may mini-ref, akin na yun.” Si Sev naman ay naglakad papunta sa veranda at huminga nang malalim. “Tangina, finally… peace.” Meanwhile… Sa Kabilang Dako Habang yayamanin ang limang loko sa mansion, sa kabilang barangay naman ay maagang nagising si Luningning, naka-pony tail, naka-daster, at puno ng dedikasyon. “Ate, ito pa ‘yung dahon!” sigaw ni Letlet, hawak ang walis tingting na tila hindi sure kung ano ang role niya. “Salamat, Let,” sabi ni Luningning habang iniikot ang malagkit sa dahon saging. “Tay! Nay! Ready na po ‘yung iba!” Ang mga magulang nila ay abalang-abala rin. Ang nanay nag-aayos ng latik. Ang tatay nagtatali ng mga ready nang balot ng suman. Ang kusina nila ay puno ng amoy malagkit, niyog, asukal yung tipong amoy alam mong may papasaya. “Jumar, halika dito,” tawag ni Luningning sa nakababatang kapatid niyang 7 years old. “Anong ginagawa mo d’yan sa ilalim ng mesa?” “Hinahabol ko po ‘yung pusang nagnanakaw ng latik…” “Ay, Diyos ko, hindi ‘yan pang-laro! Bumalik ka dito!” Tumbling ang bata pabalik, hawak ang kalahating latik na mukhang nahuli niyang isaulo. Si Letlet naman ay nakatayo sa gilid, proud pa. “Ate, wait… pwede ko bang tikman?” “Hindi. Ibebenta natin ‘yan.” “Ay, after po ba?” “Pag may natira.” Si Letlet: Huhuhu mental note: ubusin na nila lahat. Maya-maya ay napuno na ang mga basket ng kakanin. “Okay!” sabi ni Luningning, bagsak ang balikat pero nakangiti. “Maglako na tayo!” Tatlo silang magkakapatid na naglalakad si Luningning sa gitna, hawak ang bilao si Letlet sa kanan, sumisigaw nang may feelings at si maliit na Jumar sa kaliwa, kumakaway pa sa mga aso. “Kakanin po kayo diyan! Mainit pa po!” Sigaw ni Luningning. “Kasing init ng pagmamahal na deserve niyo!” dagdag ni Letlet habang may kaway-kaway pa. “Yung mura lang po! Tara na po kayo!” May mga nanay na tumatawa, mga tatay na biglang lumalapit, mga lolo’t lola na napapahinto. “Aba, Ningning, ang sigla mo ngayon ha!” “Opo Nay Inday! Kailangan po para may benta!” Si Jumar naman ay may sariling linya “Kakanin po! Kasing-sarap ko po!” “JUMAR!” sabay sigaw ng dalawang ate niya. “Ay mali pala po,” sabi ng bata, nagkamot ng ulo. “Kasing-sarap po… ng kakanin!” Sa kabilang bahay, may lalaking nagulat sa sigaw nila at muntik pang matapon ang tubig. “Anak ng sino ‘yun sumisigaw ng pagmamahal?!” “Nay, bumili kayo ng kakanin, masarap daw!” “Pwede din daw magmahal!” sabi ni Letlet. “Naku! ‘Wag mo ako idamay d’yan!” irap ng nanay. Tawa ang buong barangay. Si Luningning naman, kahit pagod, ay masaya. Ganito ang buhay nila simple, mabigat minsan, pero puno ng tawa. Pag-uwi nila bandang tanghali, ubos halos lahat ng paninda. “Nakaka-proud!” sabi ng tatay nila nang makita ang halos puno na coin purse. “Opo, Tay,” sagot ni Luningning, pawis at pagod pero nakatakang ngiti sa labi. “Mahirap ang buhay pero… kayanin natin.” Sa mansion, abala ang limang magkakaibigan sa pag-aayos. “Bro, may napag-usapan tayo diba?” sabi ni Cass habang inaayos ang hair wax niya. “Ano ba plano natin dito?” “Vacation muna,” sagot ni Sev. “Huminga. Mag-relax. Hindi muna tayo gagawa ng kalokohan.” “WAIT WHAT?!” sabay-sabay nilang apat. “Bro,” sabi ni Jarel, “we came here for adventure!” “Adventure?” tanong ni Sev. “Kakagaling lang natin sa borderline illegal adventure sa tree house!” “Pero bro… Mindanao ‘to!” sabi ni Ronan. “Bagong lugar. Bagong vibes. Bagong… possible chaos.” “Kailangan natin i-plan,” dagdag ni Kier. “At kailangan ko ng pagkain bago ako magwala.” At doon sila naupo sa living room table, nagsimula ang chaotic na brainstorming session. “Beach!” “Waterfalls!” “Hiking!” “Night swimming!” “Food trip!” “Partyyyy” “HUMINAHON KAYO!” sigaw ni Sev. At doon sila natahimik… saglit lang. Habang nagpaplano ang limang mayayabang, sa kabilang dako ay nagpapahinga si Luningning sa papag nila, yakap ang unan, pagod pero payapa. Magkaibang mundo. Magkaibang buhay. Pero parehong gumagalaw ang araw nila… Papunta sa araw na magkakahalo ang landas nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD