
"Eh?! Yun na yun? Bakit ganon ang ending ng story?!" saad ni Luna ng matapos nya ng basahin ang nobelang kanyang binabasa.
Labis ang pagkadismaya nito ng mapagtantong hindi naaayon sa inaasahan nya ang dulo ng nobela.
"Ahh!! Bat naman ganito author ang ending! Panong si Shion ang nakatuluyan ng bida?! Eh ni isa o dalawang beses lang naman sya nagpakita sa story at my god! wala silang chemistry!" maktol ni Luna habang pinapadyak ang kanyang mga paa sa higaan nito.
"Magrereklamo ako!" saad ulit nito at handa ng magsend ng email sa author ng may email ang dumating.
Lumaki ang mata nya ng makita kung kanino galing ang email. Sa author na sisendan nya sana ng email para magreklamo.
Agad nyang binuksan at binasa ang email at natigilan ito.
"Do you want to remake the story?" basa ni Luna na ikinalaki ng mata nya dahil sa gulat at exitement.
"Omg! Can I?!" tugon nito na may pananabik. Iniisip nito kung paano nya babaguhin ang ilang parte ng storyang sa tingin nya ay hindi maganda.
Ngunit hindi nya alam na ang pagtugon nya sa email na iyon ay umpisa ng pagbabago sa buhay nya at pagsisisihan nya ng husto.
