Chapter 2

2648 Words
DERETSONG pumasok si Symon sa kuwarto ng nakababatang kapatid niya na si Syrel. Nanonood na naman ito ng erotic movie habang nakaluklok sa kama. Nakita niya ang isang kamay nito na nasa loob ng boxer nito. Naghahasa na naman ito ng sandata nito. “Hoy! Nagsasayang ka ng similya riyan! Kumain ka na!” sita niya. “Mauna na kayo. Busog pa ako,” sabi nito na hindi mai-alis ang tingin sa pinapanood. “Tarantado talaga ‘to, eh. Hindi ka na pumapasok sa school kakaganyan mo. Kung babae lang ‘yang kama mo, malamang matagal nang nabuntis ‘yan.” “Huwag ka ngang makialam, Kuya! Insecure ka lang kasi magmula noong iwan ka ni Aria ay wala ka nang gana sa s*x!” sagot nito. Sa inis niya’y sinugod niya ito at sinuntok ito sa mukha. Nakabangon naman si Syrel ay sinipa siya sa sikmura. Tumalsik siya sa sulok ng pinto. Susugurin sana siya nito ulit ngunit ginamitan niya ito ng telekinesis. Tinitigan lang niya ito, tumalsik ito sa kama. Tumayo siya at hindi tinantanan ng titig ang kapatid. Namilipit sa sakit ng puson si Syrel. “Ahh! Tama na!” sigaw nito. Biglang bumukas ang pinto at sumulpot ang mommy nila at si Rebecca. “Symon!” saway ni Melody. Tinantanan naman niya si Syrel saka lumabas. Nawalan siya ng ganang kumain. Tumambay siya sa rooftop garden. Tuluyan nang humupa ang galit niya. Lumuklok siya sa bench sa tapat ng botany garden. Naramdaman niya ang presensiya ni Mem. Gumapang ito paakyat sa hita niya. Si Mem ang pinakamatandag alaga niyang black mamba snake. Mayroon na itong limang anak. Ang asawa nitong si Crey ay namatay na. Si Crey ang pinakaunang black mamba na alaga ng daddy niya. Apektado pa rin siya sa pagkawala ni Aria, ang babaeng isang dekada niyang minahal. Nagpaalam ang dalaga na mag-aral sa Amerika pero hanggang sa panahong iyon ay hindi na bumalik. Hindi pa rin ito mawaglit sa isip niya. Tatlong taon na magmula noong umalis si Aria. Kababata niya ang dalaga at naging kaibigan. Since she left, he doesn’t know how to handle his emotion. Nawala ‘yong insperasyon niya pero pinipilit pa rin niyang maging masaya kahit minsan ay nagmumukha siyang tanga. Palagi niyang nasasaktan si Syrel sa tuwing inaasar siya nito tungkol kay Aria. Tatlong taon ang tanda niya kay Syrel at maraming bagay silang hindi napagkasunduan.   SINUNDAN ni Rebecca si Symon pero hindi siya nagpakita rito. Tinitingnan lang niya ito mula sa pintituan. Naalala na naman siguro nito si Aria. Hindi talaga nito kayang kalimutan ang babaeng iyon. Bumaba na lamang siya at bumalik sa hapag-kainan. Kumakain na si Syrel. Napunit ang ibabang labi nito na tinamaan ng kamao ni Symon pero humihilom na. “Ang hirap talaga kapag puro lalaki ang anak, ‘tapos hindi pa magkasundo,” maktol ni Melody. Naaawa siya kay Melody. Ilang beses na itong nakunan. Lahat pa naman au babaeng anak. Uhaw ito sa babaeng anak kaya siguro ganoon na lang din ang pag-alaga nito sa kanya. Curious pa rin siya hanggang sa panahong iyon kung bakit ayaw nitong tawagin niyang ‘mama’. Pagkatapos kumain ay nagtungo si Rebecca sa fitness room. Ngunit hindi siya tumuloy nang makita niya si Symon na sumusuntok sa punching bag. Nakasilip lang siya sa salaming bintana. Abuhing boxer lang ang suot ng binata. Pawisan ang maskulado nitong katawan. Noong mga bata pa sila, palagi silang magkasama sa pagsasanay. Kahit saan ito magpunta ay hindi puwedeng hindi siya kasama. Para talaga silang tunay na magkapatid. Pero sa paglipas ng panahon, unti-unting nagbabago ang lahat, lalo na noong naging kasintahan nito si Aria, na kababata nito. Doon siya nagsimulang nakadama ng matinding pagseselos, nasasaktan siya. “BAKIT ba buntot ka nang buntot? Istorbo ka sa amin ni Symon!” singhal ni Aria kay Rebecca nang sumama siya sa date ng dalawa. Bumili lang ng ice cream si Symon at iniwan sila sa park. “Dati naman akong sinasama ni Kuya kahit saan siya magpunta,” sagot niya. “Noon ‘yon! May girlfriend na siya kaya dapat ako ang palagi niyang kasama. Panggulo ka lang sa amin. Hindi ka naman niya tunay na kapatid, eh. Napulot ka lang ng daddy niya kung saan.” Nainis siya sa sinabi nito. Itinulak niya si Aria. Sumalampak ito sa lupa pero kaagad ding nakabangon. Bigla siya nitong sinampal. Uminit ang bunbunan niya nang manoot sa laman niya ang hapdi. Sinalakay niya si Aria at akmang sasakmalin ito sa leeg ngunit biglang may humaklit sa balikat niya saka siya inihagis sa damuhan. Nang ibalik niya ang tingin kay Aria ay katabi na nito si Symon. Galit na galit ito sa kanya. “Wala kang karapatang saktan si Aria, Beca! Sinabi ko naman sa ‘yo na huwag ka nang sumama! Umuwi ka na!” nanggagalaiting sabi ni Symon. Tumayo naman siya at tumakbo palayo. Tumutulo ang luha niya habang tinatahak ang makitid na daan. Naninikip ang dibdib niya. Huminto siya sa gitna ng kalsada nang mapansin niya na tila naliligaw siya. Nasa gitna na siya ng gubat. Iginala niya ang paningin sa paligid. May nakita siyang itim na ibon na lumilipad sa uluhan niya. Biglang dumilim ang paligid. Pagtingin niya sa kanyang harapan ay may lalaking nangingitim ang kasuotan na nakatayo may tatlong dipa ang layo sa kanya. Naramdaman niya ang kakaibang lakas nito. Hindi ito ordinaryong bampira. Susugurin sana siya nito ngunit biglang may malaking abuhing lobo na sumalakay sa lalaki. Naglaban ang dalawa. Nagkaroon siya ng pagkakataong tumakas. Mabilis ang takbo niya ngunit naabutan pa rin siya ng lobo na sumalakay sa lalaki. Natisod siya sa nakausling ugat ng punong kahoy. Nadapa siya ngunit kaagad din siyang nakabangon. Binalot ng kaba ang puso niya nang papalapit na sa kanya ang lobo. Wala sa hitsura nito ang mangangagat pero inaamoy siya nito. Maya-maya ay bigla itong umalulong. Habang abala ito sa pag-alulong ay tumakbo na siya. Hinabol pa rin siya nito. Nang maabutan na siya nito ay huminto siya saka ito hinarap. May kasama na itong isa pang lobo. Sa pagkakataong iyon ay gusto na siyang sakmalin ng mga ito. Susugurin na sana siya ng mga ito ngunit may sumulpot na lalaki sa harapan niya. Hinarang nito ang dalawang lalaki. “Run!” utos nito sa kanya. Tumakbo naman siya. Walang tigil siya sa pagtakbo hanggang sa makarating siya sa bayan. Marami nang tao roon.   KUMISLOT si Rebecca nang may kamay na pumisil sa batok niya. Napatingin siya sa kanyang katabi. Si Syrel. “Gusto mo ba talaga siya? Hindi mo siya makukuha,” sabi nito. Iwinaksi niya ang kamay nito. “Ano ba ang sinasabi mo?” aniya. “Alam ko ang iniisip mo. Huwag kang magkaila sa akin. Alam ko may gusto ka kay Kuya.” “Wala, no!” mariing kaila niya. “Come on, you can lie but your eyes can’t hide what inside your heart. Wala namang masama roon. You’re not our sister in blood.” “Tumigil ka nga. Ikaw lang ang nag-isip ng ganyan,” napipikong sabi niya saka tinalikuran si Syrel. Hindi siya nakahakbang nang hawakan nito ang kanang braso niya. Hinarap niya ito. “Ako, sa simula pa lang, hindi ko na tinanggap na kapatid kita. Magka-edad lang tayo at sabay tumubo ang maturity natin. Kung tutuusin, dapat sa akin ka na-develop hindi kay Kuya. He doesn’t care about you. You’re just a little sister for him.” Marahas na binawi niya ang braso sa kamay nito. Hindi niya ipinahalata na nasaktan siya sa sinabi nito. “Baliw ka talaga. Kahit anong mangyari, magkapatid pa rin tayo. Hindi magbabago ‘yon,” aniya. Ngumisi si Syrel. “Yeah, right. Pero noon ‘yon. Everything has changed. We’re from different bloodlines, so we can compatible.” Pinag-ikot niya ang kanyang mga mata. “I think I need to stay away from ‘yon. Nahahawa ako sa kabaliwan mo. Ayaw kong matulad sa ‘yo na huminto sa pag-aaral. Gusto kong lumabas ng academy,” aniya. “You mean I’m a bad influence for you?” “Obvious naman.” “How about Symon? Hindi ba pinahihirapan ka niya?” “No. He’s my inspiration. He teaches me to learn something.” “Something what? For wasting time without benefits? Come on, Beca. There’s more guy on earth.” “Excuse me? I’m not an idiot to waste time for nothing.” “So, para saan pa’t nagsasayang ka ng oras kay Kuya? He will never love you.” Ngumuso siya. “Inspirasyon ko lang naman siya,” giit niya. Ngumisi si Symon. “Come on, stop pretending. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Wala namang masama kung magkagusto ka sa lalaki. But make sure that he’s would love you back. Don’t waste your time on a guy who can’t let go of his past. But if you’re desperate, do anything to win his heart. Don’t wait for a miracle.” Umismid siya at namaywang. Naisip niya, may point naman si Syrel. Pero sa sitwasyon niya, hindi effective kung aakitin niya si Symon. Baka mapasama pa siya kapag ginawa niya iyon. “May point ka naman, eh. Ang kaso, hindi ko gusto ang ideyang naisip ko. You’re right, I’m waiting for a miracle.” Hinawakan ni Syrel ang baba niya saka nito ginawaran ng halik ang tungki ng kanyang ilong. “You’re just blind, Beca. Hindi mo nakikita ang mga bagay sa paligid mo na higit pang kailangan mo kaysa gusto mo pero hindi naman para sa ‘yo,” sabi nito saka siya iniwan. Kumagat-labi siya. Ayaw niya ng ganoong pakiramdam, na mabilis siyang matukso. Noong unang linggo niya sa bahay na iyon, gustong-gusto niya si Syrel. Tahimik lang ito pero nasa loob ang kulo. Aminado siya na mas guwapo ito kumpara kay Symon, at mas malakas ang s*x appeal nito. Pero habang tumatagal ay biglang bumaling kay Symon ang paghanga niya.      Hindi pa rin siya makatulog. Nilakasan na niya ang loob na pumasok sa fitness room. Nagpapahinga na si Symon. Nakaupo ito sa bench habang pinupunasan ng tuwalya ang pawisang katawan. “Ano’ng ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa natutulog?” seryosong tanong nito. “Ah, hindi ako inaantok. Gusto ko munang magpapawis,” sabi niya. “Baka hindi ka na naman makapasok bukas.” “Hapon lang naman ang klase ko bukas.” “Kahit na. Kaya ka nawawalan ng interes sa klase kasi inaantok ka.” “Hindi kasi ako sanay matulog nang maaga. Mas madali akong makatulog kapag pagod ako.” “Bahala ka,” anito saka tumayo. Nabaling ang tingin niya sa katawan nito. Isang linggo lang itong hindi umuuwi sa kanila ay lalong lumaki ang katawan nito. Mas naging maskulado ang dibdib at puson nito. Nakatutok ang atensiyon niya sa katawan nito kaya hindi niya namalayan ang paglapit nito. Nagulat siya nang pisilin nito ang ilong niya. “Aray!” daing niya. “Be a good girl, hm?” anito. Tumitig siya sa mga mata nito’ng abuhin na sumailalim ng katamtamang kapal ng kilay nito. Ibinaba niya ang tingin sa matangos nitong ilong na perpekto ang pagkahubog, hanggang sa tumigil ang titig niya sa manipis at pumupusong mga labi nito’ng mamula-mula, na lalong naging kaaya-ayang tingnan dahil sa munting cleft chin nito. Tumutubo na ang kaaahit nitong balbas at biguti. Ang mukhang iyon ang naghahari sa diwa niya. Bago na ang hair style nito. Clean cut na mahaba sa itaas at palaging patayo ang suklay. Lalong lumabas ang kaguwapuhan nito. Kumislot siya nang bigla nitong tapikin ang baba niya. Ibinalik niya ang tingin sa mga mata nito. “Mapasukan ng lamok ‘yang bibig mo. Mag-warm up ka na,” sabi ni Symon saka ito lumisan. Lumabi siya at sinundan ng tingin ang papaalis na binata. “Hay! Bakit ba hindi ko makontrol ang sarili ko?” sermon niya sa sarili. Lumapit na lamang siya sa punching bag saka ito binugbog ng suntok at sipa. Nang simulang lumabas ang pawis niya ay hinubad niya ang kanyang damit at pajama. Itim na underwear na lang ang suot niya. Ang ga-baywang niyang buhok na aalon-alon ay inipon niya at tinalian ng mataas. PINAGMAMASDAN lang ni Symon si Rebecca mula sa salaming bintana. Malaki na ang pinagbago nito. Nahahalata niya na naiilang na ito sa kanya. Mas naging matured ito. Hindi siya sigurado pero nararamdaman niya na hindi ito ordinaryong bampira. Habang sinusundan niya ng tingin ang galaw ng dalaga ay unti-unti niyang nabibigyan ng atensiyon ang hubog ng katawan nito. Ngayon lang niya ito napansin. Bago siya nagpasyang mag-stay sa mamba house ay pinuna niya ang katawan ni Rebecca, lumulubo kasi ito. Magmula noong nagsilbi ito sa food center ng academy ay napamahal ito sa pagkain. Pero namangha siya dahil sa bilis ng pagpayat nito. Hindi lang ito basta pumayat, gumanda pa ang hubog ng katawan nito. Hindi niya napansin noon na ganoon pala ito ka-sexy. Naisip niya, baka naman may nagugustuhan na itong lalaki sa academy kaya ito nagpapa-sexy. Hindi na masama. Ngumiti siya nang makadama siya ng hindi maipaliwanag na emosyon. Binalewala niya iyon saka siya lumisan. Pagdating niya sa sala ay nadatnan niya ang daddy niya na abala sa pagtipa sa laptop nito. May isang linggo rin silang hindi nagkita. Umupo siya sa katapat nitong sofa. “Nasa Bangkok ka raw ng tatlong araw,” aniya. “Mayroon akong hinahanap,” sabi nito. Sinipat lang siya nito. “Ano naman ang hinahanap mo?” “Mga first-class hybrid vampire.” “Ano ba ang meron sa mga ‘yon at inuubos mo ang oras mo sa kanila?” “Hindi ko ito puwedeng tigilan, Symon. Malaki ang magiging epekto nila sa atin.” “Ano ba ang meron sa kanila?” “Mabuti silang kakampi pero nakatatakot kalaban. Sila ang mga bampirang nalahian ng lobo. Mas lumakas sila dahil may dugo silang tao. Hindi sila puwedeng dumami, unless kung mabuti ang layunin nila.” “Sila ba ang sinasabi mo na pumatay kay Lolo?” “Ang pinagmulan nila ang pumatay sa Lolo mo. Pati kapangyarihan na dapat ay sa atin mapunta ay nakuha niya. Kailangan mabawi ko ang kapangyarihan ng Lolo mo.” “Ano naman ang gagawin mo sa mga first class hybrid?” “Kung namulat sila sa masamang gawain, kailangan silang patayin.” “Alam na ba ito ng sangre organization?” “Oo. Tumutulong na rin silang mahanap ang mga first class hybrids.” “Gusto kong tumulong. Gusto ko ako mismo ang makababawi sa kapangyarihan ni Lolo,” desididong wika niya. “It’s not easily as you think, Symon. Ang mga first class hybrid ay hindi nade-detect ng vampires radar. Nakatago ang identity at kakayahan nila. Nasasagap lang ang enerhiya nila kapag sumasapit ang full moon. Ang mga babaeng kalahi nila ay mayroong late development. Mas mahirap silang masagap dahil sa tuwing may buwan ay mainit ang dugo nila. Mas lumalakas sila pero lalong hindi masagap. Mas malakas ang babaeng first class hybrid dahil sila ang may kakayahang humigop ng kapangyarihan ng mga lalaking first class. Kaya sa lahi nila, pinapatay ang mga babae. Hindi ako sigurado kung may natitira pang buhay na babae sa lahi nila dahil noon pa ito pinapapatay ni Deo. Mga lalaki lang ang binubuhay niya,” paliwanag ni Riegen. “Gusto kong pag-aralan ang lahi nila.” “Pinag-aaralan na ni Leandro ang lahi nila. Makipagtulungan tayo sa kanya. Basahin mo itong libro tungkol sa kanila,” anito saka binigay sa kanya ang makapal na libro. Pagkakuha sa libro ay nagpaalam na siya sa kanyang ama. Dumeretso siya sa kanyang kuwarto.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD