Chapter 1

2707 Words
WALANG tigil sa pagpatak ang luha ni Rebecca. Naaalala na naman niya ang kanyang ina. “ALWAYS smile, Rebecca. Whatever happens, just smile. The smile can make you feel better. Don’t let stress strikes you. I know you can live happy, fearless, and free.” Hindi makalimutan niya ang habilin sa kanya ng kanyang ina. Makalipas ang isang taong pagtatago niya sa Bangkok ay nagpasya si Riegen na I-uwi siya sa Pilipinas. Umuwi sila sa bahay nito. Hindi siya komportable dahil sa kakaibang environment. Pagdating nila sa malaking bahay nito ay napagkamalan pa siya ng asawa nito na anak sa labas. Natatakot siya. Nag-aaway ang mag-asawa dahil sa kanya. Tumakbo siya papasok sa isang kuwarto malapit sa underground. Lumuklok siya sa sulok ng pinto. Maya-maya ay may nakita siyang ahas na itim na mayroong guhit na pula, payat na ahas at hindi masyadong mahaba. Umatras siya ngunit sinalo ng pader ang likod niya. “No!” sigaw niya habang ihinaharang ang kanang kamay sa ahas na papalapit. Ipinikit niya ang mga mata sa akalang tutuklawin na siya nito. Nagtataka siya bakit hindi pa rin siya nakakagat. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay namataan niya ang batang lalaki na nakatayo sa harapan niya. Hawak na nito ang ahas. Tulalang nakatitig siya sa bata. “Who are you?” tanong nito sa kanya. Nakasimangot ito pero ang cute. “I-I’m Rebecca. Sir Riegen brought me here,” sagot niya. “Where you from?” “F-from Bangkok Thailand. He saves me from bad guys,” aniya. “How old are you?” “T-twelve.” “I’m three years older than you. So, my father adopted you, right?” “Uh, I don’t know. I don’t have an idea what his plan for me. He said he doesn’t have a daughter.” “Yes, I don’t have a sister. My mother wants a baby girl.” Tumango siya. Pagkuwan ay inilahad ng binatilyo ang kanang palad sa kanya. Tinitigan niya ang palad nito. Natatakot siyang hawakan iyon. “I’m Symon,” pakilala nito. “Please, hold my hand. I won’t bite you.” Humawak naman siya sa kamay nito saka siya bumuwelo patayo. “Thank you,” aniya. “No worries. You’re welcome to our family. Please feel at home. We’re not terrorist,” seryosong sabi nito. Ngumiti siya. Magaan ang loob niya kay Symon. Hindi lang ito mabait, pogi pa.   “REBECCA!” Kumislot si Rebecca nang may matulis na bagay na sumundot sa tagiliran niya. Napatingin siya sa kanyang katabi, sa gawing kaliwa. Dinuduro siya ni Charmaine ng spatula. Nasa kusina sila at nag-aayos ng pagkain na ise-serve sa mga opisyales ng organisasyon. “Ano ka ba? Bakit tulala ka na naman diyan?” tanong nito. Lumabi siya. Kahit anong iwas niya, habang tumatagal ay lalong nagbabago ang pagtingin niya kay Symon. Hindi na siya komportable na tratuhin ito na parang tunay na kapatid. “Makatamad nang mag-aral,” angal niya. “Ayan ka na naman. Malapit ka nang magtapos sa academy. Kapag naipasa mo lahat ng subject mo, magiging miyembro ka na ng sangre organization. Hindi ka na magsi-serve ng pagkain,” sabi nito. “Ang hihirap kaya ng subject. Simple lang naman ang gusto ko, maging journalist.” “Hay naku! Sa panahon ngayon, wala nang kurso para riyan.” “Magiging normal naman ang buhay natin, eh. Magkakaroon na ng vaccine para sa virus.” “Kailan pa kaya ‘yon?” anito at inihanda na ang food cart. “Halika na nga, dalhin na natin ang mga pagkain sa conference room,” yaya nito. Sumunod na lamang siya kay Charmaine. Tig-isa silang serving tray na may lamang pagkain. Pagdating sa conference room ay kasalukuyang ginaganap ang meeting ng mga opisyales. Naroon din ang tatay-tatayan niya’ng si Riegen. Magmula noong nagtatrabaho siya sa academy ay bihira na sila nito nagkikita. Ito ang nag-enroll sa kanya sa sangre academy. Pagkatapos mai-serve ang mga pagkain ay bumalik na siya sa food center. Malapit na ang lunch time. Maglalabasan na rin ang mga estudiyante para kumain. Inaayos niya ang mga isi-serve na pagkain nang naramdaman niya ang pamilyar na presensiya. “Hi, Beca!” Marahas siyang lumingon sa counter. Nakatayo sa tapat si Dylan, ang doktor na kaibigan ni Symon. “H-hello, doc!” ganti niya saka ito kinawayan. Lumapit siya rito. “Nag-iisa ka ata,” anito. “Ah, nasa kitchen kasi si Charmaine. May catering kasi sa conference room.” “Gano’n ba? Hindi ako sanay na ikaw lang ang nakikita rito.” “Talaga? Baka si Charmaine lang ang sadya mo rito,” panunudyo niya. “Ha? H-hindi. Nagugutom ako kaya ako nandito,” mariing kaila nito. Seryoso pa rin. “Teka, nakita mo ba si Symon?” pagkuwa’y tanong nito. Natameme siya nang marinig ang pangalan ni Symon. Nasaan na nga ba ang lalaking ‘yon? May isang linggo nang hindi umuuwi sa bahay nila si Symon. “Uhm, h-hindi, eh. Hindi siya umuuwi sa bahay,” sagot niya. “Ah, baka nasa mamba house.” “Siguro.” “Bigyan mo na lang ako ng pagkain.” Kumuha siya ng plato saka nilagyan ng pagkain. Wala itong mapagpipilian dahil limited lang ang putahe. Araw-araw ay nagbabago ayon sa recipe. “Heto,” aniya pagkaabot ng pagkain kay Dylan. “Thanks. Kakain muna ako.” “Sige.” Sinundan lang niya ito ng tingin habang papaalis. Binalikan naman niya ang ginagawa. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik sa counter si Dylan dala ang walang laman nitong plato. “Heto na,” sabi nito. Nagulat siya. Nilapitan niya ito. “Ang bilis mo namang kumain.” Tumawa siya. “Alam mo, sa lahat ng kumakain dito, ikaw lang ang nagbabalik ng plato sa akin,” aniya. Ngumisi si Dylan. “Ganyan kasi ang turo sa akin ng mommy ko, huwag umasa na may magliligpit ng pinagkainan. Kung puwede nga lang ako na ang maghugas.” “Ah, hindi na meron namang tagahugas.” Kinuha niya ang plato sa kamay nito. Nang dadalhin na niya sa lababo ang plato ay biglang namanhid ang kamay niya. Nabitawan niya bigla ang plato. Humilagpos ito sa sahig at nabasag. “Beca!” bulalas ni Dylan. Tumakbo ito papasok ng counter saka lumapit sa kanya. “Diyan ka lang!” pigil niya rito. “Are you alright?” nag-aalalang tanong nito. “Y-yes, namanhid lang ang kamay ko.” Sa kagustuhang maligpit kaagad ang kalat ay pinagpupulot niya ang bubog saka ipinasok sa plastic bag. Pagdampot niya sa pinakamalaking bubog ay bumaon sa hinlalaki niya ang matulis na bahagi. “Aw!” daing niya. Tuluyang nakalapit sa kanya si Dylan ay hinawakan ang kamay niyang nasugat. May lumabas na dugo sa sugat niya ngunit hindi dumadaloy. Masyado irong malapot. Nagkatinginan sila ni Dylan at parehong nagtataka. “Ano’ng nangyayari rito?” tanong ng pamilyar na boses ng lalaki. Sabay pa silang lumingon ni Dylan sa kararating na lalaki. Tumulin ang t***k ng puso niya nang makita si Symon. Para itong nakakita ng hindi kanais-nais na tanawin sa rekasiyon nito. Mabilis na binitawan ni Dylan ang kamay niya. Sinundan niya ng tingin ang dugo niyang pumatak sa sahig. Nawindang siya nang makitang bumula ang dugo niya at dagling umitim na parang nasunog. “May nangyari ba?” muli’y tanong ni Symon. “Don’t worry, it’s just a broken plate,” sagot ni Dylan. Pagkuwa’y lumabas na ito ng counter. “Okay. Where are you going?” tanong ni Symon kay Dylan. “I need to go back at work. Puntahan mo ako mamaya sa clinic,” sabi nito. “Okay.” Nakatitig pa rin si Rebecca sa sahig. Hindi niya namalayan ang pagpasok ni Symon. Kumislot siya nang bigla nitong dinutdot ng daliri ang noo niya. Naibaling niya ang tingin dito. He just wearing a fitted black t-shirt and black denim. Ang macho nito at ang bango. “Sabihin mo sa akin ang totoo. Ano’ng ginawa n’yo ni Dylan dito?” usisa nito. “W-wala. Pumasok siya dahil nabasag ang plato. Akala niya siguro napano ako,” sagot niya. “Totoo?” nakataas ang isang kilay na sabi nito. “Oo. Tingnan mo, may bubog pa. Nasugat pa nga ako, oh.” Pinakita niya rito ang sugat niya. Dagli naman nitong hinawakan ang kamay niya na nasugatan. “Wala namang dugo,” sabi nito. “Pumatak na kasi.” Marahas niyang binawi ang kanyang kamay. “Ikaw, ah, marunong ka nang maglihim sa akin, ah,” sabi nito. “Anong lihim ka riyan?” “Nagpapaligaw ka na, ano?” “Excuse me?”Tumikwas ang isang kilay niya. “Eh ano kung magpapaligaw ako? Malapit na akong mag-twenty-five. Ano’ng gusto mo, aabot muna ako ng trenta anyos bago magpaligaw?” “Aba, at marunong ka na ring magtaray, ah.” Dinutdot nito ulit ang noo niya. “Ano ba?” Tinabing niya ang kamay nito. “Dapat bago ka tumanggap ng manliligaw, iharap mo muna sa akin ang lalaki nang makilatis ko.” “Sus, daig mo pa si Papa Rieg, ah.” Namaywang siya. “Nakalimutan mo na ata na sa akin ka pinagkatiwala ni Daddy.” “Oo na.” “Iligpit mo ang kalat mo,” sabi nito saka siya tinalikuran. “Ah, Symon!” tawag niya rito. Marahas na humarap sa kanya ang binata. Nagsalubong ang katamtamang kapal na mga kilay nito. “Ano’ng sabi mo?” anito sa matigas na tinig. Bumuka ang bibig niya ngunit hindi niya nagawang magsalita. Nakagat na lamang niya ang kanyang ibabang labi. May nakalimutan siya. “Kailan ka pa nawalan ng galang sa akin, ah? Nakalimutan mo na ba na mas matanda ako ng tatlong taon sa ‘yo?” namumurong sabi nito. “S-sorry, nabigla lang ako, k-kuya,” aniya. “Ulitin mo pa, ah. Makatitikim ka na talaga sa akin,” sabi nito saka tuluyang umalis. Tumikwas ang sulok ng labi niya at pinag-ikot ang mga mata. Nang dumating ang mga bata ay isinalansan na niya sa counter ang mga nakaplatong pagkain. Parang may bagyo na naman. Ang iingay ng mga bata. Second batch na ang mga senior. Nang mabigyan niya ng pagkain lahat ng bata ay umupo muna siya sa silya. Nangawit na ang binti at mga braso niya. Hindi pa siya nakapagpahinga nang husto ay pumasok na ang mga senior. Nakapila na ang mga ito. Ang nasa huling pila ay sina Delian at Magnus, ang makukulit niyang kaklase. Hindi pa nakalapit nang tuluyan ang dalawa ay pinagtatawanan na siya. Nang ang mga ito na ang kukuha ng pagkain ay pinagkait niya ang pagkain sa mga ito. “Oy, absenger!” sabi sa kanya ni Magnus. Palagi siyang absent sa klase kaya binansagan siya ng mga ito na ‘absenger’. “Oh, e ano ngayon? May license ako para lumiban sa klase,” aniya. “Wala kaya, Ate Beca. Nagtanong si prof sa amin kung bakit absent ka na naman,” sabi ni Delian. “Alam na niya ‘yon. Kunwari pa siya. Teka, sinong prof ba ‘yon?” aniya pagkuwan. “Si Tito Trivor,” sagot ni Delian. Kinabahan siya. Hindi niya alam na mayroon silang schedule kay Trivor sa araw na iyon. Guro nila sa vampire’s law subject si Trivor. “Hindi bale, hihingi na lang ako ng special class sa kanya,” sabi niya. “Last chance mo na raw ito. Ibabagsak ka niya,” pananakot ni Magnus. Dinuro niya ito ng kutsara. “Ikaw, makulit ka pa sa tatlong taong bata! Hindi ka makakakain ngayon!” asik niya. “E ‘di ‘wag. Isusumbong kita kay daddy, pinagugutuman mo ako,” sabi ni Magnus saka tumalikod. “Hoy! Sandali lang!” pigil niya. Diretsong lumabas ng food center si Magnus. “Pabayaan mo na siya, Ate. Bata pa kasi masyado si Magnus, magbabago rin ‘yon,” ani ni Delian. Bumuntong-hininga siya. “Hay! Oo nga. Heto na ang pagkain mo,” aniya saka ibinigay ang plato ni Delian. Lumuklok ulit siya sa silya at ipinatong ang mga paa sa isa pang silya. Hinilot-hilot niya ang kanyang batok na nangangalay. “Nakakasawa na ang ganitong trabaho. Gusto ko nang lumabas at makipaglaban sa mga halimaw,” reklamo niya. ALAS-NUWEVE na ng gabi nakauwi ng bahay si Rebecca. Naamoy na niya ang mabangong niluluto ni Melody. Si Melody ang nanay-nanayan niya pero ayaw nito na tinatawag niya’ng ‘Mama’. Okay na rito ang ‘Tita’. Pagdating niya sa kusina ay nasorpresa siya nang makita si Symon na katuwang ni Melody sa pagluluto. Hindi naramdaman ng mga ito ang presensiya niya. Kumubli siya sa likod ng pinto nang marinig ang kanyang pangalan. “Ano’ng sabi mo? Hindi pumasok sa klase niya si Rebecca?” manghang tanong ni Melody kay Symon. “Nandoon lang siya sa food center. May subject siya kay Tito Trivor. Kinausap ako ni tito kanina. Kapag daw hindi pa pinasukan ni Rebecca ang subject kay Tito Trivor ay ibabagsak na niya ito,” sumbong ni Symon. “Huling taon na nga lang niya ito sasayangin pa niya! Paano siya makapapasok ng organisasyon kung ganoon siya?” Nairita na si Melody. “Kaya nga. Habang lumalaki, tumitigas ang ulo ng babaeng iyon. Baka may boyfriend na ‘yon kaya gano’n.” “Bahala siyang mag-boyfriend basta tapusin niya ang pag-aaral niya!” Kumagat-labi si Rebecca. Dahan-dahan siyang humakbang palayo ngunit napahinto siya nang masalubong niya sa daan si Mem, ang pinakamatapang na black mamba snake ni Symon. Nakaangat ang ulo nito habang nakalabas ang dila. “H-hi, Mem! Long time no see,” aniya sa kabila ng takot. Ilang beses na siyang tangkang tuklawin ni Mem pero hindi matuloy-tuloy dahil pinipigilan ni Symon. Hindi talaga niya mapaamo si Mem. Gumapang na ito palapit sa kanya. Umatras naman siya. Sa huling hakbang niya paatras ay bumangga ang likod niya sa matigas na katawan. “Mem, get back to your room, now!” utos ni Symon sa alaga nito. Tumalima naman ang pobreng ahas. Hindi nakakibo si Rebecca habang nakadikit ang likod niya sa katawan ni Symon. Ang mga kamay nito ay nakahawak sa magkabilang balikat niya. “Gustong-gusto ka talaga ni Mem. Ano ba ang meron sa ‘yo?” sabi ni Symon malapit sa tainga niya. Uminit ang pakiramdam niya nang madama niya ang mainit na hininga nito’ng bumubuga sa batok niya. “Let’s eat!” mamaya’y sabi ni Melody. Dagli siyang lumayo kay Symon at humarap sa ginang. “Kain na raw,” sabi naman nito sa kanya. “Oh, Beca, nariyan ka na pala. Tamang-tama, kakain na tayo. Symon, tawagin mo na ang kapatid mo,” ani ni Melody. Umakyat naman sa second floor si Symon. Siya naman ay pumasok sa dining room. Inihanda na niya ang kanyang sarili sa sermon ni Melody. Hindi halata sa hitsura nito na may inihahandang galit para sa kanya. Maayos pa ang pag-alok nito ng pagkain sa kanya. Mamaya ay diretso itong tumitig sa kanya. “Absent ka na naman daw,” mahinahong sabi nito. “Wala po kasing magsi-serve ng pagkain sa mga estudyante. Nasa labas ang ibang staff at merong conference meeting kanina kaya mag-isa ako sa food center,” paliwanag niya. “Ang sabihin mo, tinatamad ka na naman. Paano ka papasa niyan? Magagalit ang Papa mo niyan. Sinasayang mo ang suporta namin sa ‘yo,” sermon nito. Himala, hindi ito nagtataas ng boses. “Sorry po,” aniya. “Last chance mo na ito. Kapag lumiban ka pa sa klase ay hindi ka na talaga namin papaaralin sa academy. Habang buhay ka nang silbidora,” pananakot nito. “Pangako, mag-aaral na po ako.” Parang bata na pinagalitan ng nanay. “Sige na, kumain ka na.” Hindi na siya kumibo. Busog pa siya pero pinilit niya ang sarili na kumain. Nagmeryenda kasi siya bago umalis ng academy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD